02/08/2022
Kailangan natin suriin ang ating mga gawain pagdating sa pagkita ng pera, kung ito ba ay nasa tama, wala bang na aagrabyado na kapwa o buhay na masisira? Hindi ka ba nangdadaya? Nalulugod ba ang Diyos sa iyong ginagawa at pwede mong masabi na ito ay Kanyang BIYAYA?
Tandaan natin na hindi porket kumikita ka at umaasenso ay galing na sa DIYOS ang grasya, ipagdasal natin kung tama ba talaga itong ating ginagawa para ang dunong ng Diyos ang manguna at magturo sa atin ng mga tamang gagawin.