01/06/2026
📦💙 Sa tulong ng inyong mga donasyon, nakibahagi po ang Kenshin Hako sa Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t ibang cleaning materials at classroom improvement materials para sa ilang Special Needs Education / SNED facilities. 🧹🏫✨
Ang mga materyales na ito ay para makatulong sa paghahanda ng mas malinis, mas maayos, at mas ligtas na silid-aralan para sa ating mga SNED learners, teachers, at parents. Kabilang dito ang mga walis tambo, dustpan, detergent, floor brush, toilet brush, bleach, scouring pads, trash bags, rubber gloves, floor mops, pintura, paint rollers and brushes, varnish, thinner, doormat, plywood, door k**b, bidet, at iba pang kahilingan ng ating mga g**o. 🙏💛
Mula sa puso, maraming-maraming salamat po sa lahat ng Kenshin Hako customers na patuloy na sumusuporta sa aming serbisyo. Sa bawat balikbayan box na inyong ipinagkakatiwala sa amin, nagkakaroon din tayo ng pagkakataong makatulong at makapaghatid ng kabutihan sa ating komunidad. 📦🤝🇵🇭
Hindi po ito magiging posible kung wala ang inyong tiwala, suporta, at pakikiisa sa aming munting civic service. Sama-sama po nating ipinapakita na ang tunay na balikbayan spirit ay hindi lamang nasa pagpapadala ng kahon, kundi nasa pagpapadala rin ng malasakit. 💙✨
Maraming salamat po sa ating mga g**o, magulang, volunteers, at sa lahat ng naging bahagi ng Brigada Eskwela 2026. Para sa ating mga batang may espesyal na pangangailangan, patuloy po tayong magtutulungan. 🌈🏫