08/12/2025
Kapag may problema, madalas ang unang instinct natin, magtago. Tama ba?
Parang automatic na defense mechanism, βAyoko muna harapinβ¦ baka mawala na lang.β
Pero alam mo, kung ganoβn palagi ang response natinβ¦ paulit-ulit lang talaga ang cycle. Hindi mawawala ang problema na ayaw nating ayusin. In reality, kahit iwasan natin, hindi naman nawawala, nag-aantay lang yan hanggang handa ka nang ayusin.
Kasi kahit tumakbo ka nang tumakbo, hahabulin ka ng problema.
Hindi dahil gusto kang pahirapan, kundi dahil may kailangan kang matutunan. May kailangan kang baguhin. May dapat kang i-grow sa sarili mo.
At minsan, βyung pinaka-inaayawan nating harapin, βyun pa βyung ginagamit ni Lord para i-redirect tayo sa tamang landas.
Tapos may mga naririnig pa tayo na,
βProblema? Mas mamomoblema pa saβkin βyan!β
Na para bang... kaya niyang lokohin ang buhay by ignoring the issue. Pero deep inside, alam niyang hindi totoo βyun.
Kasi darating ang arawβ¦
Pag gising mo pa lang, pagdilat mo pa lang,
nasa harapan mo pa rin βyung bagay na tinatakbuhan mo.
God allows challenges not for your defeat, but for your development.
Kapag tinatakasan mo ang problema, parang tinatakasan mo rin ang growth na gustong ibigay ni Lord.
Hindi naman binibigay ni Lord ang mga ganyang sitwasyon para biguin ka.
Hindi Niya βyan nilalagay sa path mo para isuko mo lang.
Every challenge has a purpose, may tinuturo, may ina-adjust, may pinapalakas. Kailangan mo yan sa mga susunod na season ng buhay mo.
Bakit ka matatakot kung may Diyos ka naman na kasama?
Sabi sa Joshua 1:9 (NIV):
βDo not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.β
See? Hindi ka lumalaban mag isa, kasama mo Siya eh.. Harapin mo wag mong takbuhan.