20/10/2019
DI PALA AKO!
-Lan's A.
Ano nga ba ako sa buhay mo?
Ako, Ako yung simpleng babaeng minahal ka ng totoo.
Ako, Ako yung simpleng babaeng paulit-ulit na ginago mo.
Ako, Ako yun simpleng babaeng di kangandahan tulad ng ibang nakikita mo.
Ako, Ako yun.
Yun simpleng babaeng kayang iparamdam sayong nagiisa ka lang dito sa puso ko.
Ngunit, dumating ang araw na kinakakatakutan ko.
Yung tipong iiwan mo ako at ipagpalit sa bagong nakilala mo.
Di ko malimot mga salitang binitiwan mo nung umalis ka at tuluyang iwan ako.
Sinabi mung 'Mahal, pasensya na.
"HANGGANG DITO NALANG AKO"
Naguho ang mundo kong tanging umiikot lang sayo
Naiwan akong nakatayo habang ikay naglalakad papalayo
Hinabol kita, at nagmamakaawang 'sanay bumalik ka'
Ngunit tiningnan mu lang ako, at muli ay tinalikuran mo.
Humagulgol , umiiyak at sinisigaw ang pangalan mo
M-a-h-a-l ?
Anong naging pagkukulang ko?
Bakit ako?
At bigla-biglang naala-ala ko,
Di pala ako yung tipong babaeng hinahanap mo
Di pala ako kagandahang babaeng tulad ng gusto mo.
Di pala ako,
DI PALA AKO!
Kaya napagtanto ko,
Masasaktan lang ako kung ipapatuloy ang KAGAGAHANG ITO!
Kaya naliwanagan ako, at muli ay inayos ang sarili ko,
Lumipas ang araw at buwan,
Nagkita muli tayo.
At Sinabi mong MAHAL MO PA AKO!
Nadurog ang puso ko, sa mga salitang binitiwan mo
Mga salitang, noon gusto kong marinig mula sayo
Ngunit tila hangin nalang ito, ngayon dito sa puso ko.
Kaya, tiningnan nalang kita.
At ako naman ang tumalikod sa iyo! ๐