04/04/2026
P A B A T I D
Sa darating pong Linggo (Bukas), Abril 5, 2026, Muli po nating ipagdiriwang ang Pasko Ng Muling Pagkabuhay Ng ating Panginoon gayundin ang ating Kapistahan.
Kaalinsabay po nito bilang Pasasalamat sa ating Patron na si Hesukristong Muling nabuhay at sa ating Ina at Reyna Ng Tulo, ang Mahal na Birhen Ng La Purisima Concepcion, magkakaroon po tayo Ng MISA PASASALAMAT sa ganap na ika-9 Ng Umaga. Kaugnay po nito mangyaring pumunta po sa ating chapel ISANG ORAS bago mag simula ang Banal na Misa lalo't higit ang mga batang bibinyagan.
Para po sa mga dadalo sa Banal na Misa, mangyaring magdala po ng kandila para sa pagsasariwa Ng pangako sa binyag.
Sa Hapon naman po, sa gananap na ika-4 (assembly time), bilang pagpaparangal sa ating Patron, ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa sa ating Prusisyon. Sama-sama po nating abangan at tunghayan ang mga nag gagandahang dilag na gaganap sa Sagala at nagkikisigang mga Hermano at Hermana Ng ating Kapistahan.
Maraming Salamat po.