23/07/2022
"SINONG SUPPLIER MO?"
"SAAN KA KUMUKUHA NG STOCKS MO?"
Tanong na hindi mo dapat itanong sa isang nagnenegosyo. βΊοΈ Respeto lang naman. π
Hindi sa nagdadamot, pero pinaghihirapan po ng bawat seller ang paghahanap ng supplier.
Parang sa restaurant lang yan eh, may isang putahe na best seller. Tapos may isang tao na magtatanong sayo, "Anong ingredients nyan? Sobrang benta kasi sa business nyo. Pwede ko ba malaman?"
Sasabihin mo ba? Syempre hindi.
Hindi ka madamot bilang business owner. Pinapahalagahan mo lang yung sinimulan mo. Pwede naman magbigay ng tips kung paano makahanap ng supplier eh para matuto sila na magtiyaga on their own kung gusto talaga nilang pumasok sa ganitong negosyo.
Wag po natin ugaliin na magspoon-feed. Hindi nyo po alam gaano kahirap maghanap ng supplier. Gagastos ka talaga, kasi susubukan mo lahat ng makikita mong okay eh. Hanggang sa mag-stay ka sa 1,2 o 3 supplier.
*I also started as reseller sa kung sinu-sino. Pero hindi ko sila tinanong kung kanino sila kumukuha. Nagsearch ako on my own. Pinag-aralan ko lahat-lahat. Codes, brands, etc etc.
*Don't get me wrong ha. Pero meron din nagsasabi ng mga suppliers.
*Hindi po kasi tayo pare-parehas ng pinagdaanan sa paghahanap ng supplier. βΊοΈ Pwede pa rin naman po makatulong in other way like giving advices/tips paano po magstart ng business o maghanap ng supplier. Mas masarap po yung magstart sa scratch, everything else will follow. π
*Alam kong mababasa mo to, please lang wag mo masamain.
Ctto