13/09/2024
Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 21 ang dating Bureau of Customs broker na si Mark Taguba kaugnay sa naipuslit na P6.2-bilyong halaga ng shabu sa bansa mula sa China noong 2017.
Kabilang sa mga hinatulang guilty sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act sina Eirene Tatad na consignee ng shipment, warehouseman na si Fidel Dee, at businessman na si D**g Yi Shen.
Napatunayang guilty ang mga akusado sa misdeclaration, transportation at facilitation ng smuggled goods.
Pinagbabayad sila ng tig-P50 milyon na multa sa bawat bilang na aabot sa P150 milyon. Hinatulan din sila ng korte ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong.
Nagsabwatan umano ang tatlo para maipuslit ang 600 kilong shabu sa bansa, ayon kay Senior Asst. Prosecutor Charlie Guhit.
“I think this would send a message to those who are involved in illegal importation that the law is there to punish an illegal act,” saad ni Guhit. | via Camille Samonte