23/07/2026
Akala ko tapos na. ๐ญ
Na-send ko na yung weekly report. Kumpleto na, maayos na, naka-Excel pa.
Tapos nag-reply si client.
"Can we make this into a CEO Dashboard?"
Nag-stop talaga ako ng mga limang segundo. Hindi para mag-isip ng isasagot... para i-process kung ano ba talaga ang CEO Dashboard. HAHAHA.
Syempre, nag-reply ako ng, "Yes, of course!"
Pagka-send ko...
"Momshi... ano'ng pinasok mo?" ๐ญ
Ganito yata talaga ako mag-upskill. Hindi dahil shunga ako. Hindi rin dahil expert na ako. Mahilig lang talaga akong mag-yes sa mga bagay na hindi ko pa alam... tapos saka ko na lang aaralin.
Google. YouTube. Claude. ChatGPT. Trial and error. Kape. Repeat.
Minsan naiisip ko rin, ang kapal ng mukha ko. Pero siguro kung hindi rin ako ganito ka-curious, hindi rin ako matututo ng mga bagay na alam ko na ngayon.
Feeling ko nga karamihan ng skills ko nagsimula lang sa, "Sige, kaya ko 'yan." Kahit ang totoo, wala pa akong idea kung paano. ๐ญ
Pero after ilang araw ng research at trial and error, nagugulat na lang ako... nagagawa ko na pala.
Mukhang ganito na talaga ang routine.
Accept muna. Panic nang konti. Tapos figure it out. ๐ญ๐