16/07/2018
This is true to any business endeavor. Lalo na if newbie business person. But a coach can help minimize errors in a start-up.
I stumbled upon this note na sinulat ko 5 years ago.
I was 20 years old back then, ako yung sarili kong Delivery boy, ako yung tindero, ako yung nagkukwenta ng sales, ako washer, ako naglalakad ng papel sa munisipyo. Sa kabila ng lahat ng hirap na yon, nalugi yung negosyo ko. Wala akong kahit anong background sa Business, di ko alam paano isulat ng tama yung benta at gastos. Meron lang ako lakas loob at onting Capital, pero wala eh.. Lugi ako.. Pero hindi don natapos ang istorya ko.
Fast forward today, nakapag franchise ako ng Negosyo sa SM, meron na kong staff na nagkukwenta at nagsesend ng sales sakin araw araw.
Sobrang daming pwedeng mangyari in a year, lalo na in 5 years! Kaya kung ngayon, hirap na hirap ka at depress ka kung nalugi ka man sa negosyo o stocks, o feeling mo stuck na buhay mo kasi wala kang maipon na pera. H'wag ka susuko. Bangon kaibigan! hindi tayo titigil hanggat hindi natin nararating yung pangarap natin sa buhay!
Samahan natin ng sipag at panalangin ang bawat natin gagawin! Kung gusto nyo panoodin yung VLOG ko sa negosyo journey ko eto yun, Hindi ako magaling mag vlog, Psensya na.. pero gusto ko makatulong sa mga tao, baka makakuha kayo idea sa mga sinasabi ko. Salamat sa inyong lahat! Godbless!
001 👉 https://youtu.be/4QKPfwgT9n0
002 👉 https://youtu.be/xp5TmTsc2ho
like nyo na din yung page thank you! : https://www.facebook.com/Buko-Express-SM-Telebastagan-1736004879854045/?modal=admin_todo_tour