17/02/2024
Kilala mo rin ba sila?
Mariel Padilla, Iwa moto, Dagul, mga artista na nag lilive selling ngayon. And there's nothing wrong with that! In fact we can learn so much from them. For me eto ang mga take aways ko
1. Showbiz is not forever. May panahon ng kasikatan, meron ring panahon na hindi. Pag sikat malaki ang income, pag hindi nganga. Kaya dapat may backup ka.
2. Sa mundong to bawal ang ma Pride. Mahihirapan ka kung ang lagi mong sasabihn sa sarili mo ay "eww ayoko ng ganyan, benta benta lang, di ko yan linya etc etc. Sa tough times, dapat adaptable to change ka. Di kasi nakakabusog at nakakabayad ng bills ang Pride
3. Lahat ng bagay napag aaralan at natututunan. If you have a right motivation, let's say one of which is to earn a good living for your family, kahit di ka marunong aaralin mo rin. Susubukan, sisipagan hanggang sa makuha, mamaster at matutunan. Lahat naman di natin alam sa simula. Kailngan lang willing ka matuto.
4. Wala to sa sikat, kilala, may kaya, or what. Wala sa background ang backbone ng pag nenegosyo. Nasa pag pupursigi, paniniwala sa sarili, tamang opportunities at pagiging bukas sa pag subok ng mga bagong bagay.
Kaya ikaw, na nagsusumikap para sa pangarap mo, tuloy lang! May kanya kanya tayong laban na kailangan nating ipanalo. Im cheering for you! Kita kita tayo sa taas ng tagumpay!