16/10/2014
Repost By: Sweetie Pasag ( Los Banos - Mega Center Owner)
POINTING FINGERS
Mga Bossing,
I have tried to update you all with the Revelation na napatunayan ko.. But honestly, I am now blinded kung ano ang tama at kung anong mali. Indeed, you cannot please everybody but People started to point fingers and started to lose hope because of my previous post. Para po sa ikalilinaw ng lahat, ang aking nobela aimed to set expectations right.. Marami sa atin ang gustong malaman ang totoo kahit masakit kesa maging blinded sa totoong nangyayari. Ako ay nagpost para kayo ay makamove on na din at magplano habang kayo ay nag-aantay…
I am not in the right position to Clear these things but I feel that I need to…
These clarifications are first hand information na ako mismo ang nakakita at nakasaksi at kasagutan sa mga naglilipanang issues sa internet..
ISSUES:
ITINAKBO NGA BA NI NHADINE CHLOE ANG PONDO NG NBO?
I had a meeting with Pres Renz at CEO Nhadz to clear out ang issues ng NBO at sa mga allegations na nawawala ang magkapatid ni Nhadine. In front of me, Pres, my husband and one other Trusted Friend na di ko na kailangang pangalanan — Ipinresent ng magkapatid ang mga documents showing proof na wala silang kinuhang pera sa NBO.
15 CONDO UNITS PAID IN FULL - Wala pong 15 Units na Condo na binili. They tried to buy 7 Condo Units for future investment pero ito po ay on installment basis. May 1 unit na binili (Pre-selling) which is fully paid but the other 6 units are just reservation. Ang kapatid po ni Mam Nhadz ay 7 years na nagtrabaho sa Singapore and still single — so I believe that she has the capacity to invest since she has her savings to do so.
HOUSE AND LOT, CARS PAID IN FULL - I personally saw the document from the bank showing proof na ang property na sinasabi sa allegation ay loan sa bangko pati na rin ang Subaru na ginagamit ng ating CEO. The only car na paid in full ay ang Ford Fiesta na inaward ng NBO sa ating CEO nung Grand Launching ng ating kumpanya.
Non-Remittance of Singapore Depot - All receipts and agreement were presented showing proof na ang payments ng Singapore branch ay tinanggap ng Main Office and were properly remitted.
Now the company was doing well in the past and if they invested on these to plan their future, I think that they have the right to purchase or get a loan for their own. Kung ang normal member or Center Owner nga nakapagpundar.. sila pa kaya?
NAGTATAGO BA ANG MAGKAPATID NA CEO AT TREASURER?
Sa unang putok ng balita na itinakbo daw ng magkapatid ang pera ng NBO, may text conversation si Pres at ang kapatid ni Mam Nhadz regarding sa planned leave nito dahil may kakausapin syang tao na posibleng makatulong sa kinakaharap ng company which Pres allowed. I personally saw the text message ni Pres na nagsabi pang “Ingat ka”. But before that she received text messages threatening her. In the meeting she asked Pres if she can go back to the office and if Pres can back her up kung sakaling may hindi magandang mangyari sa kanya dahil sa mga threats na narereceive nya. I clearly heard Pres when he said — “Wag ka na munang pumasok, antayin mo ang text ko kung kailan ka papasok” na inantay naman na hindi na nangyari.
Madam CEO and Pres agreed na magkakaron ng communication between them dahil alam ni Pres na may nilalakad din si Madam CEO na investor na makakatulong sa company.
So as to conclude, taliwas sa mga sinasabi na walang communication si Pres at si Madam CEO.. nag-uusap po ang ating Presidente at ang ating CEO, this is the last thing that I know. If they ceased to communicate recently that is a different story.
ITINAKBO BA NI JAY AR ROSALES ANG PONDO NG NBO?
I only met Jay Ar in the shoot that we did and in his coverage sa SIngapore. But in my own Point of View, sa tingin ko po wala syang kinalaman sa pondo ng NBO. He is hired by NBO to help with the Anniversary and other promotions na kailangan ng NBO. He has nothing to do with any Financial Transactions ng company so please If this person has issues with Pres and Madam, let them fix it among themselves. Wag na po taung magcomment pa especially kung wala po taung batayan na first hand information. Kung meron mang ibinayad sa kanya ang kumpanya that is an alloted payment ng company for the services that he will be doing, if it was not used sa dapat pagbayaran at ito ay ginamit sa personal nyang gastos then that’s a matter between Him and the company. Let’s leave it as it is.
ITINAKBO BA NG MGA CENTER OWNERS ANG PERA NG NBO?
Ang mga Center Owners po ay nagpupurchase ng Product Packages sa Main Office, Meaning in order for them to replenish they need to buy more product packages at a discounted rate para sa earnings naman ng Center Owners. We have invested 250K to 1M para makakuha ng rights para magtayo ng Center or Depot and we are earning from Product Packages din. HINDI PO SA AMIN NAPUNTA ANG PERA NG TAO.. Para lang yang tinda sa sari-sari store. Binili namin sa Main at ibinenta namin sa members….
Most of the Centers ay nakatayo pa.. Bukas during Operational Hours pero wala ng kinikita pero nagbabayad pa ng renta, kuryente, internet etc. Bakit? Para ang mga members ay may patuloy na puntahan kung kailangan nila ng tulong. Hindi nyo po kalaban ang mga Center Owners.. Lahat po kami ay gumagawa ng paraan para makatulong at patuloy na humihingi ng updates at status para po sa inyo.
NASAAN NA ANG PONDO NG NBO?
Ito ang pinakamahirap na sagutin sa lahat ng tanong. Unfortunately, I do not want to answer this based on my own point of view dahil baka mali din ako…
Just some points to ponder though — Ang Networking business ay based sa Sales ng company. Kung bumagal ang sales ng company pero patuloy pa din ang Payout what do you think will happen? Less payin - MORE Payout.. How do you think will we survive?
ANO NA ANG DAPAT ASAHAN SA NBO?
Come to think of it. You joined the business because you hoped na this will help you and your family. Nagkaproblema ang kumpanya — Mahirap but we need to accept it. Marami ng company ang nagbukas at nagsara.. Biglang nawala ng parang bula.. Nagsampa ng kaso ang mga members para maipakulong ang mga may ari nito.. Anong nangyari? FILING A CASE IS A LOOONNNNGGGGG process and in the end ang momentum ng mga taong nagfile ay nagsusubside hanggang sa isa-isang mawala na.. Ang ending? Lalo lang nagastusan dahil sa Acceptance Fee ng lawyer at iba pang Case Fees. Magpamedia? Why not - you have a right to your own actions.. ilalabas sa TV ang company at hayaang lalong malugmok… Pero in the first place ano ba ang gusto mong makuha? Pera mo? Tama? Nakikipagcommunicate pa ang mga may-ari, nagbibigay pa ng promises na sila ay magbabayad.. Hanggang kailan mag-aantay? Honestly.. Hindi ko alam but I would rather Move On with my life and wait for the good news and before you know it.. eto na sya.. may payout na at sasabihin mo n lng sa sarili mo na “I’m glad I waited.”
KASABWAT BA SI SWEETIE PASAG SA PAGDISPALKO NG PERA?
I really don’t want to comment on this dahil I hope na kayo po bilang mga NBO member na nagfafollow ng mga posts ko ay kilala kung sino ako. Subalit may mga ilang tao na nagcocomment at nagpopost at idinadawit ang pangalan ko sa issue ng NBO. Ito lang po ang masasabi ko, I am a Business Woman bago po ako naging Center Owner ng NBO. Mas mahalaga po sakin ang REPUTATION kaysa sa pera.. Sanay po ako sa hirap at kung anuman ang narating namin ngayon.. yun po ay dulot ng pagsisikap naming mag-asawa bago pa man kami sumali sa NBO. Hindi kayo nakapayout.. gayun din po kami… may 100+ kayo sa loob na inaasahan? may halos 700k po kaming mag-asawa bukod pa ang sa pamilya namin not to mention po ang inilabas namin na investment para makapagtayo ng Center… PARE-PAREHO PO TAYONG NAG-AANTAY NG PAYOUT, napakadali po sana sakin ang bitawan na lang ang NBO at iturn over ang members sa Main at magfocus sa Call Center business namin pero hindi ko ginagawa dahil I feel na responsibilidad ko na iassist ang mga Members na nangangailangan ng tulong ko…
Lahat po tayo may pinagdadaanan.. Lahat po tayo may kanya-kanyang kuwento behind sa pagsali sa NBO. Please STOP POINTING FINGERS dahil it will not do good. Especially kung kayo po ay walang proof… Odds are you can be sued by posting / sharing ng mga accusations na narinig nyo lang or nabasa nyo lang…
I hope this will clear things out. Wag na po tayong magturuan… Wag po tayong basta magpadala sa mga nakikita natin at naririnig ng walang pruweba.
Let’s make peace, hope and pray that the President and CEO will find a solution to end all these.
Ito na po ang huli kong nobela.. But I will still post updates that will be passed on to us.
Salamat po mga Bossing.
PARA PO SA MGA MEMBERS NA LUBOS ANG TIWALA AT SUPORTA SA AKIN — Maraming maraming salamat po. Hindi po kayang pantayan ng Materyal na bagay o pera ang pakiramdam na naidulot po ninyo sa akin…
Disclaimer:
Ang post po na ito ay based sa aking Personal Point of View at para sa mga members na patuloy pang nagtitiwala sa akin na naguguluhan na sa mga nangyayari at naghahanap ng kasagutan mula sa akin. If you do not like my post.. Please feel free to ignore this post or hide from your timeline.