16/06/2026
Buong Puso po kaming nagpapasalamat sa pagigng bahagi ng inyong programa❤️
God bless us all!!!
LASA AT LIKHA FESTIVAL NG MARAGONDON, PORMAL NANG BINUKSAN
Bilang bahagi ng Public Service Caravan at paghahanda sa Kapistahan ng Bayan, sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Maragondon ang LASA AT LIKHA FESTIVAL.
Layunin ng Food Festival na ito na ipakita at ipatikim sa atin ang mga natatanging pagkain ng Bayan ng Maragondon. Hindi lamang matatakam, kundi mabubusog pa sa iba't ibang pagkain at lasa na iyong matitikman.
Mula sa Shawarma, Drinks, Lechon, Empanada, Ihaw - Ihaw, at iba pang pagkain, lahat matitikman sa Lasa at Likha Festival.
Pinangunahan ni Maragondon, Cavite Mayor Lawrence "Umbe" Arca , Konsehal Miguel Arca, at Maragondon LGU ang pagbubukas ng Lasa at Likha Festival na magtatagal hanggang sa August 15 na araw ng Pista ng Maragondon.