05/10/2026
“MAGNANAKAW KA” “BASTOS KA”
BABALA, MAY MGA LENGGUWAHENG HINDI ANGKOP SA MGA BATA
Tumaas ang tensiyon sa isinagawang sesyon sa Bayan ng Reina Mercedes, Isabela nang kuwestiyunin ni Vice Mayor Atty. Harold Respicio ang ilang barangay officials sa paggamit ng pondo para sa mga to***co farmer.
Humingi ng update si VM Respicio sa mga programang pinondohan mula sa to***co excise tax noong 2025 kabilang ang mga proyektong nasimulan at natapos.
Nauwi sa sigawan ang sesyon matapos pumalag ang ilang barangay official.