01/06/2026
Wala pang sweldo dahil may delay pa, pero excited na akong mag-cash stuffing kaya budget plan muna for June 2026! β¨
May kaunting adjustments lang this month. Tinaasan ko ng β±300 ang laundry budget dahil papasok na ang tag-ulan season. Alam naman natin kung gaano katagal matuyo ang mga damit kapag maulan, kaya mas practical na ipa-laundry ko na lang sila.
Bumaba naman ang allowance para sa college sibling ko dahil hanggang first week of June na lang ang pasok nila. Pero back to school na ulit ang Junior High sibling ko, kaya balik allowance budget din tayo.
Sa ibang categories, halos same pa rin ang allocation ko. Isa sa mga bagay na ikinatuwa ko ngayong buwan ay nasa below β±30,000 ang total budget ko for June. Sana tuloy-tuloy ang magandang budgeting habits at makapag-save pa nang mas malaki this month ππ»
Manifesting a productive, disciplined, and financially blessed June for all of us! π