20/06/2020
Read ,Like and Share sa main post.
https://www.facebook.com/743833312348859/posts/3183806065018226/
Official #147 from Leila B. Absari - Zamboanga City
السلام عليكم و رحمة و بركاته.
اما بعد:
ISLAM, tugon sa Pandemya, Pagkalito at Pangangailangan ng Tao.
"LIGTAS ANG MAY ALAM SA ISLAM"
ISLAM, mula pa sa panahon ni Adam Alayhis Salam,
Tungo sa panahon ni Noah Alayhis Salam,
Umabot sa panahon ni Abraham Alayhis Salam,
Hanggang sa panahon ni Moses Alayhis Salam,
Maging sa panahon ni Hesus Alayhis Salam,
Hanggang sa kahuli-hulihang sugo sa sanlibutan na si Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam.
ISLAM, relihiyon ng katotohanan,
Na naghihikayat ng kapayapaan,
Sa sarili, sa iba at sa mga nilalang,
Mapa Born Muslim kaman o Balik-Islam,
Ligtas ka sa araw na walang katiyakan,
Magbalik loob ka lamang at tanggapin ang Islam,
Ikaw ay mapapabilang sa dakilang tagumpay.
Sabi ng Allah sa Banal na Qur'an
Innad Dheena Enda Allahi Al-Islam
Katotohanan, ang relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam,
Relihiyong ligtas sa kapahamakan at kasawian,
Relihiyong mag-aahon sa sangkatauhan mula sa kapighatian,
Relihiyong magliligtas sa sanlibutan mula sa kapinsalaan,
Dala ng lungkot, lumbay at ano pa man,
Yakapin mo ang Islam at magbalik loob ka lamang,
Katakutan ang Allah na lumikha ng sangkatauhan,
Katotohanan ikaw ay mapapabilang sa mga taong lubos ang kagalakan at kasiyahan.
Huwag mag-atubili at ikaw ay magtanong,
Sagot ay mababatid mula sa iyong tugon,
Likas sa isang tao ang maraming tanong,
Ano nga ba ang tunay na relihiyon?
Islam na nga ba ang siyang tugon?
Na siyang kailangan ng sangkatauhan upang maka-ahon.
Halina't alamin ang tunay na Panginoon (Allah),
Kasama na ng kanyang Relihiyon,
Maging ang sugo na kanyang inahon,
Tiyak na ikaw ay ligtas sa araw ng paghuhukom.
Mga katanungan patungkol sa Relihiyong Islam,
Born Muslim kaman o Balik Islam,
Dapat iyong maunawaan at maintindihan,
Dahil ligtas ang may alam sa ISLAM.
Sino si Allah?
Si Allah ang Nag-iisang Diyos na dapat sambahin at katakutan.
قال تعالى:
((قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ))
Sabihin: “Siya ang Allah, Nag-iisa.
Surah Al-Ikhlas:1
Ano ang Islam?
Relihiyon ng katotohanan, kapayapaan at pagmamahalan.
قال تعالى:
((إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ))
Katotohanan, ang [tanging] relihiyon [Deen] sa [paningin ng] Allah ay ang Islam.
Surah Ali 'Imran:19
قال تعالى:
وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينٗا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan o nawalan.
Surah Ali 'Imran:85
Sino si Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam?
Sugo at Alipin ng Allah sa sangkatauhan.
قال تعالى:
((هُوَ ٱلَّذِي بَعَثَ فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ))
Siya na nagsugo sa [gitna ng] mga hindi nag-aral ng isang sugong nagmula sa kanilang [lahi], binibigkas sa kanila ang Kanyang ayaat [mga kapahayagan], at sila ay dinadalisay [mula sa kawalang-paniniwala], at sila ay tinuturuan ng Aklat [ang Qur’an] at ng karunungan [ang Sunnah]. At bagaman sila noon ay nasa [dating] hayag na kamalian.
Surah Al-Jumu'ah:2
Sino si Hesu Kristo sa paningin ng Islam?
قال تعالى:
((إِنَّمَا ٱلۡمَسِيحُ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ رَسُولُ ٱللَّهِ وَكَلِمَتُهُۥٓ أَلۡقَىٰهَآ إِلَىٰ مَرۡيَمَ وَرُوحٞ مِّنۡهُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۖ وَلَا تَقُولُواْ ثَلَٰثَةٌۚ ٱنتَهُواْ خَيۡرٗا لَّكُمۡۚ إِنَّمَا ٱللَّهُ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓ أَن يَكُونَ لَهُۥ وَلَدٞۘ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Ang Mesiyas [na si Hesus], anak ni Maria, ay isang Sugo ng Allah at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria at isang kaluluwa [na nilikha sa pag-uutos] mula sa Kanya. Kaya maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang mga Sugo. Huwag kayong magsabing: “Tatlo!” Magtigil kayo! Ito ay higit na makabubuti para sa inyo. Katotohanan ang Allah ay [tanging] isang Diyos, Luwalhati sa Kanya [Siya ay Kataas-taasan] sadyang malayo sa pagkakaroon ng anak na lalaki. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [para sa lahat ng mga pangyayari].
Surah An-Nisa:171
Ano ang Qur'an?
قال تعالى:
((شَهۡرُ رَمَضَانَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ فِيهِ ٱلۡقُرۡءَانُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَبَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡفُرۡقَانِۚ ))
Buwan ng Ramadhan [nang] ipinahayag ang Qur’an, [ito ay nagsisilbing] patnubay para sa sangkatauhan at [bilang] mga malilinaw na katibayan ng patnubay at pamantayan [sa pagitan ng wasto at mali].
Surah Al-Baqarah:185
Wa Billahi Tawfeeq.