30/04/2026
Ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pangunguna ng Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB), ay magsasagawa ng ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐ ๐ญ๐๐๐ bilang pakikisa sa pagdiriwang ng 124๐ญ๐ก ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง na may temang โ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐: ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ.
Layunin ng aktibidad na mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan at direktang maiugnay ang mga jobseekers gayundin ang mga repatriated OFWS mula sa Middle East na naapektuhan ng digmaan sa lehitimo, ligtas, at de-kalidad na overseas employment opportunities.
Tinatayang mahigit 3,400 bakanteng trabaho mula sa mga bansang United States, Australia, New Zealand, Japan, Croatia, Slovakia, Lithuania, Czech Republic, Guam, and Papua New Guinea, gayundin sa onboard international vessels ang inihanda para sa mga kwalipikadong jobseekers. Ito ay lalahukan ng 12 Licensed Recruitment Agencies (LRAs) na binubuo ng 4 Manning agencies at 8 Landbased agencies.
๐๐ค๐๐๐ฃ๐จ๐ค๐ฃ๐จ ๐๐๐ก๐ก๐๐ง๐๐, ๐๐ง๐ฉ๐๐๐๐จ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง, ๐๐ช๐๐ฏ๐ค๐ฃ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ
๐๐๐ฎ 1, 2026
10:00 ๐ผ๐ โ 3:00 ๐๐
๐๐๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ ๐๐๐ฌ๐ฌ
1. Pagpaparehistro
Bisitahin ang opisyal na website o portal ng job fair (https://jobfairportal.dmw.gov.ph)
โข Paraan ng pagrehistro
A. Kung kayo ay may eRegistration account na, i-type ang inyong email address at ang inyong password na gamitsa eRegistration at i-click ang Sign in
B. Kung kayo ay wala pang eRegistration account, i-click ang I donโt have eRegitration account
โ Punan ang kinakailangang impormasyon tulad ng:
โข Buong pangalan
โข Gender
โข Address
โข eMail address
โข Contact number
โข Educational background
โข Karanasan sa trabaho (kung mayroon)
โข Preferred job category
๐๐ผ๐ผ๐๐ผ๐๐ผ: ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ฎ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ง๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฉ๐๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐ฉ ๐พ๐ง๐๐จ๐๐จ, ๐-๐พ๐ก๐๐๐ ๐๐ฃ๐ โ๐๐๐โ ๐จ๐ โ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐ง๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐ - ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐ฉ ๐พ๐ง๐๐จ๐๐จ (2026)โ. ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐, ๐-๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฃ๐ โ๐๐โ
Siguraduhin na tama at angkop and detalye nainyong ilalagay sapagkat ito ay makakaapekto saiyong aplikasyon.
โ Lagyan ng check ang I agree to the DMW Data Privacy Notice
โ I-click ang Submit Registration button
C. Kung kayo ay nakapag register na ngunit hindi na maalala ang log-in detais, i-click ang I already have Job Fair Pass. I-type ang inyong email address at ang inyong birth date.
2. Pag Generate ng QR code
โข Kung kayo ay nakapag log-in na gamit ang alinman sa tatlong (3) paraan ng pagrerehistro, i-click ang โShow Job Fair Detaisโ
โข Sa Jobfair Details, i-click ang โPre-Registerโ para makapag generate ng inyong QR code
โข Sa araw ng job fair, ipakita ang QR code o Job Fair pass saRegistration Booth/Table.
๐น๐ฌ๐ด๐ฐ๐ต๐ซ๐ฌ๐น๐บ:
1. Ang mga jobseekers/aplikante ay maari lamang magtagal sa Job Fair Area sa loob ng bente minuto (20 mins.) para magsubmit ng kanilang resumes/curriculum vitae.
2. Para sa walang hassle na paglahok sa Job Fair, siguraduhing mag-save ng kopya ng inyong QR code.
3. Ang mga nakapag pre-register online at nakapag-generate ng QR Code ay bibigyang prioridad na makapasok sa Job Fair Area.
4. Ang mga walk-in applicants ay maari lamang pumasok saJob Fair Area pagkatapos na makapag apply ng mga pre-registered applicants.
5. Ang mga applicants ay maari din maghulog ng resumes samga dropboxes na provided ni DMW.
6. Siguraduhing i-scan ang Job Fair Pass/QR Code sa terminal scanner bago mag-exit sa job fair area para makumpleto ang proseso.