17/09/2026
More opportunities for solar installation companies.
Batay sa 2025 data, 34.8% ng kabuuang energy consumption ng Pilipinas ay ginagamit ng transport sector.
Kaya mahalaga hindi lamang kung gaano karaming energy ang ginagamit natin, kundi kung paano natin ito ginagamit, at kung paano natin gagawing mas efficient at mas malinis ang ating transportasyon.
Bahagi nito ang paglipat sa electric mobility.
Sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), target na 5% pataas dapat ang EV share sa covered government and private fleets by 2034, at tataas pa sa 10% by 2040. Kasama rin sa roadmap ang pagpapalawak ng EV charging infrastructure at pagtukoy ng green routes para sa electric public transport.
Sa ganitong paraan, unti-unti nating nililinis ang energy use sa transport sector habang pinapahusay ang efficiency ng ating mga biyahe.