29/05/2026
Fyi
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎: Naglabas ang MARINA ng paglilinaw ukol sa implementasyon ng penalty sa mga seafarer na may mga expired na dokumento (SID, SIRB, at SRB) habang onboard international ships.
Sa ilalim ng MARINA Advisory 2026-29, nilinaw ang guidelines sa pagpataw ng penalty batay sa umiiral na mga panuntunan.
Ayon sa MARINA, HINDI PAPATAWAN NG PENALTY ang mga seafarer na:
✅May valid na SIRB at valid na SRB, kahit expired na ang SID.
✅May valid na SID at valid na SIRB, may valid man o walang SRB.
✅May expired na SID, pero valid ang SIRB.
TANDAAN: Sapat na ang may valid na SIRB
Ngunit, PAPATAWAN NG PENALTY ang mga seafarer na nasa international waters kung:
❌Expired ang SIRB at expired ang SID, kahit valid ang SRB.
❌Expired ang SID at walang SIRB.
❌SRB lamang ang dala.
PANGUNAHING DOKUMENTO: Kailangang may valid na SIRB, o kombinasyon ng valid na SRB at SID.
Matapos ang validation ng MARINA, ipapaalam sa mga seafarer na napatawan ng penalty ang susunod na proseso.
Pinapayuhan ang lahat ng seafarers, shipping companies, at manning agencies na sumunod sa mga panuntunan para maiwasan ang pagkakaroon ng penalty.
Giit pa ng MARINA, hindi nito ina-amyendahan ang Memorandum Circular Nos. MD-2024-01 at GC-2026-02.