Ren G Vlog

Ren G Vlog 🌹

💡 Tips Para Hindi Laging Kapos sa Pera• Wag mong dalhin lahat ng pera mo pag lumalabas ka. Mas kaunting cash ang dala, m...
07/09/2025

💡 Tips Para Hindi Laging Kapos sa Pera

• Wag mong dalhin lahat ng pera mo pag lumalabas ka. Mas kaunting cash ang dala, mas kaunting tukso na gumastos sa hindi kailangan. Pwede ka rin mag-set ng “budget envelope” para sa bawat linggo.

• Matuto kang magluto sa bahay kaysa kain nang kain sa labas. Hindi lang tipid, mas healthy din dahil ikaw ang nagtatakda ng sangkap. Halimbawa, ang ₱200 na ulam sa fast food, pwedeng pang-ulam na sa buong pamilya kung ikaw ang magluluto.

• Mamili sa palengke linggo-linggo. Malaki ang diperensya ng presyo kumpara sa mall. Hindi lang gulay at karne, mas mura rin ang prutas at mas sariwa pa. Pwede ka ring tumawad at masulit ang budget mo.

• Bawasan ang mga gastos na hindi naman kailangan. Tanungin ang sarili bago bumili: “Kailangan ko ba talaga ito, o gusto ko lang?” Minsan maliit na gastos lang pero pag pinagsama-sama araw-araw, malaki rin ang nawawala.

• Humanap ng mas murang alternatibo. Halimbawa, sa bigas o kape, pwede kang pumili ng brand na mas abot-kaya pero halos pareho ang kalidad. Hindi lahat ng mahal, sulit.

• Magbaon ng tubig sa sariling tumbler. Simple pero malaking tipid. Kung araw-araw kang bumibili ng bottled water, umaabot ito ng daan-daang piso kada buwan. Libre ang tubig sa bahay, at mas eco-friendly pa.

• Kung wala ka pang negosyo, wag ka muna bumili ng kotse. Isipin: commute lang ₱572 kada buwan, samantalang ang kotse halos ₱22,000 buwan-buwan (hulog + gas + parking). Kung hindi naman kailangan, huwag munang pasanin.

• Magtabi ng 20–30% ng kita mo para sa ipon. Kung maliit pa ang kita, kahit 5–10% basta tuloy-tuloy, lalaki rin yan. Ang mahalaga ay disiplina at consistency.

• Iwasan ang lifestyle inflation. Kapag tumaas ang sweldo, wag agad mag-upgrade ng phone, kape, o luho. Dagdagan muna ang ipon bago ang gastos.

• Invest sa sarili. Ang pinakamahalagang puhunan ay skills at edukasyon. Kung may extra kang pera, mas mabuti itong ilaan sa training, kurso, o maliliit na negosyo kaysa sa mga bagay na mabilis mawala ang halaga.

• Planuhin ang bawat bili. Gumawa ng listahan bago mag-grocery o pumunta sa mall para iwas “impulse buying.”

👉 Sa huli, hindi lang kakulangan ng kita ang dahilan kung bakit tayo kapos — kundi ang maling spending habits. Kung matututo tayong maging disiplinado, marunong mag-budget, at marunong magtiis, unti-unti nating maaabot ang financial freedom.

Ganda ng mensahe🔥🔥🔥Ang kaisa isahang ibon na nagtangkang tumuka sa isang agila ay ang uwak..Nag land siya sa likod ng ag...
17/05/2022

Ganda ng mensahe🔥🔥🔥

Ang kaisa isahang ibon na nagtangkang tumuka sa isang agila ay ang uwak..

Nag land siya sa likod ng agila, at tutukain sa leeg ang agila.
PERO! Hindi lalaban ang agila. Hindi niya uubusin ang lakas niya, para lumaban sa uwak..

Sa halip, ibubuka niya ang kanyang pakpak at lilipad siya ng mataas.

Mas mataas, mas maganda!

Habang pataas ng pataas, ang agila.. pahirap ng pahirap para sa uwak ang huminga..

Hanggang sa mahuhulog na lang ang uwak dahil naubusan ng oxygen at mamatay..

Sayo na nagbabasa nito 🙂

May mga bagay, pangyayari or even mga tao na pipilitin kang bumagsak.. Hihilahin ka pababa at susubukan kang ibagsak..
Alam mo, wag mo uubusin lakas at oras mo sa kanila.

Lipad ka ng mas mataas pa!

Mangarap ka ng mas mataas pa!

Eventually, kusa silang malalaglag..
🙂😃😃

LABAN PARA SA PANGARAP HUWAG PAAPEKTO LALO NA SA MGA NEGATIBONG TAO.💪

Ctto

Pag tanda mo ganito din naman ang hahanapin mo eh. ❤Di forever madadrive mo ang kotse mo. Di forever maaakyat mo ang mat...
18/04/2022

Pag tanda mo ganito din naman ang hahanapin mo eh. ❤
Di forever madadrive mo ang kotse mo. Di forever maaakyat mo ang mataas na bahay mo. Di forever ikaw ang pinakamalakas. Di forever ikaw ang pinaka sa lahat. Di forever maganda ka, di forever malusog ka. Di forever maluwag ang iyong dibdib at paghinga. Walang forever sa ating hiram na buhay. Ang forever lang ay pagbabago. Ang forever lang ay ang Diyos at ang lumikha ng lahat sa mundong ito.

May tamang panahon sa bawat isa, gaya ng panahon ng pagtatanim at panahon ng pag aani. Gaya ng panahon ng tag ulan at panahon ng tag araw. Gaya rin ng panahon ng ating pagsilang at panahon ng ating kamatayan. Ang buhay natin ay pana-panahon. Yung hinihintay mong panahon mo, baka hindi pa ngayon. Baka ang panahon mo ay sa bandang kalagitnaan pa, o sa bandang dulo pa. Baka yung iba, nakuha nila yung panahon nila sa bungad at unahang bahagi ng kanilang buhay. Kung di mo pa man nararating yung pangarap mong panahon, tuloy-tuloy lang ang usad dahil parang palay sa kabukiran, ikaw rin ay mahihinog at maaarawan. Wag kang mainip hintayin ang iyong tamang panahon at wag ka ring matakot sumubok ng mga pagkakataon. Malay mo, ang hamon ay nasa pagkakataon para makuha mo ang tamang panahon. 😊

Kaya habang maaga, hanapin mo ang kapayapaan, dahil sa ating pagkamatay sa kapayaan din tayong lahat ay mahihimlay. Wag kang basta lang maghintay, matuto ka ring maglakbay. Dahil walang saysay ang paglalakbay na puro shortcut at walang naiwang bakas ng pagkakamali o pagkaligaw. Normal yan sa buhay, ang madapa, bumangon, at kahit sugatan kana at nanghihina, kailangan mo pa ring maglakad para makausad. Pero sa dulo mapapangiti kana lang, dahil yung pagtayo mo ay naging pag asa rin sa mga muntik nang sumuko kagaya mo.

- M.L.N.

Someone graduated at the age of 22, but waited 5 years before securing a good job.Someone became a CEO at 25, and died a...
09/01/2022

Someone graduated at the age of 22, but waited 5 years before securing a good job.

Someone became a CEO at 25, and died at 50.
While another became a CEO at 50, and lived to 90 years.

Someone is still single, while someone from his school group has become grandfather.

Obama retired at 55 & Trump started at 70.

Everyone in this world works based on their time zone.

People around you might seem ahead of you & some might seem to be behind you.

But everyone is running their own race, in their own time.

Do not envy them.
They are in their time zone, and you are in yours.

So, relax.

You're not late.
You're not early.
You are very much on time.

06/01/2022
- Repost -Naiyak ako sa kwentong ito 😔 Sobrang buti talaga ni LORD ☝ mababasa mo sa story na ito kung paano sya kumilos ...
28/06/2021

- Repost -
Naiyak ako sa kwentong ito 😔 Sobrang buti talaga ni LORD ☝ mababasa mo sa story na ito kung paano sya kumilos sa buhay ng mag-ina 😌

10 PESO COIN STORY

Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umattend kami ng nanay ko sa church tapos ang laman ng bulsa ko 10 pesos, tapos si mama walang wala din talaga as in 0.

Umattend kami ng nanay ko ng Sunday service na hindi nag almusal at kumakalam sikmura, kaya hindi ko mabili ng almusal dahil may fear ako na pag naubos yung 10 pesos di kami makapag tanghalian at hapunan. Plano ko kasi ibili ng itlog ng tanghali saka itlog ulit sa gabi tapos pag hahatian namin ni mama. Yung mga susunod na araw, hindi ko na alam kung paano kami.

Habang nasa church, pumwesto yung nanay ko sa may bandang likod kung saan magkakasama yung mga kananayan. Tapos ako sa may bandang unahan, as usual kasi part ako ng music team and sa unahan din ang youth group.

Di ko makakalimutan, na kapag naaalala ko yung kabutihan ni Lord sa buhay ko, tumutulo pa rin luha ko hanggang ngayon.

Yung scenario is, tumugtog na yung pang TITHES AND OFFERING na music. Sa church kasi namin dati yung box nasa unahan ng altar, so talagang pupunta ka dun para maghulog ng tithes and offering mo kay Lord. Hindi ako pumapalya kahit baon ko sa school nag huhulog ako doon, pero ito iba dahil 10 peso coin na lang yung meron ako.

Habang naglalapitan yung mga tao, lumingon ako sa likod at tinignan ko yung nanay ko, napa tingin sya saken tapos ngumiti. Ang ginawa ko, nag decision ako na ilagay yung huling pera namin sa tithes and offering. Pumunta ko sa harap, yung saradong sarado yung palad ko kasi at some point nahihiya ako kay Lord na 10 pesos lang yung nakayanan ko. As in saradong sarado yung palad ko.

Natapos yung service ng church. Inalok kami nila Pastor Dario (Hope Church Pastor in Taytay Rizal) na doon na kami mananghalian. Ang matindi may pa sopas pa right after ng service so naihabol namin ng nanay ko yung gutom nung pang almusal at nakapag lunch pa.

Ang matindi, pag uwi namin ni Mama, nag aantay yung bestfriend nya na galing abroad at kakauwi lang ng Pinas. May dalang mga pasalubong, mga de lata, chocolates at kung ano ano pa. Yung pinaka malupit nagbigay sa nanay ko ng limang libo (5000 pesos) as a gift daw at ibili ng gusto.

Pumunta ko sa kwarto ng di alam ng nanay ko at doon ako umiyak ng sobra sobra. Dahil alam ko na ginamit ni Lord yung kaibigan ng nanay ko para mag provide sa amin ng panahong 0 na talaga.

Dun ko napatunayan na may MIRACLE. 💯

I share this story of my life to inspire people na, ngayong pandemic na kinakaharap natin, ngayon tayo mas kailangan maging matatag sa FAITH natin kay Lord. We have a BIG GOD. Kaya kailangan BIG FAITH ang meron tayo sa Kanya.

Mula ng mangyari sa buhay ko ito, hindi na ako natakot maka experience ng challenges. Every challenges na kinakaharap ko, lagi ko tinatanim sa isip ko na may PURPOSE/REASON ang LAHAT. At kung ano man yon, si Lord lang nakaka alam. Kaya mula noon hanggang ngayon pinahalagahan ko yung blessing na binibigay Nya sa akin and I make sure to PAY IT FORWARD.

Truly FAITH SHOULD BE BIGGER THAN OUR FEAR. 🔥

ALL PRAISE AND GLORY TO GOD ALONE!

( Nakakatouch at nakakabless, ganitong ganito pinaparanas ni Lord iyong Pagpapala sa mga sumusunod at nagtitiwala sa Kanya. A miracle can happen kung Nagtitiwala at sumusunod ka kay Lord na kahit ang hirap na ng sitwasyon mo. The Impossible becomes possible talaga. God is Good, all the time.

Repost.

Address

Manila

Telephone

+639616239867

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ren G Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ren G Vlog:

Share