11/08/2021
7 TIPS PARA PALAGUIN ANG INVESTMENT KAY TPC
1. Maglagay ng banner sa harap ng bahay ninyo.
>Make them know na nagtitinda ka ng load. Pag nakita nila ang tarpaulin mo, alam na nila kung saan sila babalik balik para bumili ng load.
2. Daily inventory. Isulat ang transaksiyon sa buong araw.
>Hanggat maaari, kung kaya naman ng oras mo, isulat mo ang transaksiyon mo para alam mo kung magkano ang kinita mo sa buong araw.
3. Ibukod ang benta ng LOAD sa personal mong pera.
>Kung gagawin mo ito, maiiwasan mong magastos ang benta ng load at sa ganun may pang-replenish ka ulit kinabukasan.
4. Kabisaduhin ang promo code.
>Siguraduhin na kabisado mo ang promo code ng iyong negosyo. Kase baka mas alam pa ni customer ang code ng ipapaload nya at ikaw pa ang turuan niya.
5. Maglaan ng sapat na pondo para sa negosyo mo.
>Bawat negosyo ay may kaukulang puhunan. Blessed kana nga sa TPC kase di mo kailangan ng sobrang laking puhunan para gumana ang negosyo mo. Magpondo lalo na kung gabi para maiiwasan mangutang ng pondo sa dealer mo.
6. I-promote mo ang negosyo mo.
>Kahit sa FB pwede mo ipromote ito.
7. Reinvesting
>Paikutin mo muna ang puhunan at kinita mo. Subukan mong gawin ito sa loob ng isang taon, di mo namamalayan LUMALAGO na pala ang ini INVEST mo👌