20/05/2026
SANG-AYON KA BA SA PANUKALA NI Robin Padilla NA I-REVIEW O TANGGALIN ANG K-12 PROGRAM?
Mainit na pinag-uusapan online ang naging pahayag ni Sen. Robin Padilla kaugnay sa posibilidad ng pag-review o pagtanggal sa K-12 o Senior High School program sa bansa.
May ilang netizens na sumasang-ayon sa ideya dahil umano sa dagdag gastusin at hirap na dinaranas ng maraming estudyante at magulang. Ayon sa ilan, hindi rin daw agad nararamdaman ang benepisyo nito pagdating sa trabaho at oportunidad pagkatapos mag-aral.
Samantala, marami rin ang naniniwalang mahalaga pa rin ang K-12 dahil nagbibigay ito ng dagdag kaalaman, skills training, at mas mahabang paghahanda para sa kolehiyo o trabaho. Para sa iba, kailangan lamang umano ng mas maayos na implementasyon kaysa tuluyang alisin ito.
Dahil dito, naging hati ang opinyon ng publiko tungkol sa kinabukasan ng K-12 program sa Pilipinas.
Ikaw, ano ang masasabi mo rito?