28/12/2023
PROTIPS-December 28, 2023
Get Organized
Gaanong karaming oras ang nasasayang mo kahahanap ng iyong mga gamit? Palagi mo bang nami-misplace ang iyong susi, salamin, o kaya ay resibong kailangan mong ibigay sa kumpanya ninyo? To help you save-time and energy looking for misplaced stuff, get organized. Ang pagiging organisado at masinop ay malaking tulong para hindi ka ma-stress at magamit mo sa productive na paraan ang oras mo.
Paano mo nga ba sisimulan ang pagiging organisado lalo na kung hindi mo ito nakasanayan?
1) Start organizing your bag and your desk. Simulan mo sa maliit na pag-aayos. Make it a daily habit to declutter your bag and your table at the end of every workday. Tiyak na tatamarin ka kasi kapag marami ng kalat at gulo na kailangan mong linisin at ayusin. Kaya ang susi sa pagiging organisado, huwag kang mag-ipon ng kalat at basura. Hangga't maaari, let go of unnecessary stuff gaya ng mga flyers at junk mail na natatanggap mo. Mga resibo na hindi mo na kailangan. Huwag mo itong ipagpaliban dahil kapag tumambak na ang mga kailangan mong i-sort at i-file na mga papeles, baka ma-stress ka lamang.
2) Avoid accumulating stuff when you have very limited space. Minsan ang dahilan ng pagiging magulo o disorganized ng work area mo ay talagang marami kang abubot na wala ng mapaglagyan. Iwasan mong mag-acquire ng napakaraming gamit ng wala ka namang sapat na lugar para sa mga ito. Di dapat bumili ng kotse kung wala ka namang garahe. Bili ka ng bili ng damit, wala ka namang espasyo sa iyong cabinet, saan mo na isisiksik ang iyong mga gamit? When you have very little space for storage, get rid of some stuff before buying new ones. Maglaan ka ng espasyo para sa mga bagong bagay na bibilhin mo.
3) Think of the benefits of being organized. Maraming benepisyo ang pagiging organisado. Magaan sa mata at sa iyong pakiramdam kapag maayos ang paligid mo. You become more efficient in what you do dahil nasa lugar ang lahat ng kailangan mo. Kahit wala ka pa sa opisina, kapag ang mga gamit ay nasa tamang lagayan, hindi mahihirapang maghanap ang mga katrabaho mo.
Maging masinop at maayos. Kahit nga sa Biblia ay pinaaalalahanan tayo ng kahalagahan ng kaayusan. Ang sabi sa 1 Corinthians 14:40, "But all things should be done decently and in order." Malaki ang benepisyo ng pagiging organisado sa iyong buhay at trabaho.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!