24/08/2026
Taos-Pusong Pagpupugay
🕊️ IN LOVING MEMORY 🕊️
Sa aming minamahal na kasamahan, maraming salamat sa iyong dedikasyon, katapatan, sipag, at maayos na serbisyo sa aming agency at sa iyong detachment. Ang bawat araw na ginugol mo sa pagtupad ng iyong tungkulin ay naging bahagi ng magandang alaala na mananatili sa amin.
Hindi man namin kayang suklian ang lahat ng iyong sakripisyo at serbisyo, mananatili sa aming puso ang respeto at pasasalamat sa iyo. Maaari ka nang magpahinga, kasama ang Panginoon, matapos mong gampanan nang buong katapatan ang iyong tungkulin.
“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.”
— 2 Timothy 4:7
Maraming salamat sa iyong serbisyo. Hindi ka namin makakalimutan.
Nawa’y bigyan ng Panginoon ng lakas, kapanatagan at comfort ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay sa panahong ito ng pagluluksa.
🕯️ Rest in Peace. Your service will never be forgotten.
— Your Agilas Security Family