19/06/2025
β οΈ BABALA SA PUBLIKO
Mahigpit na Pagbabawal sa Tampering at Walang Pahintulot na Pag-Refill ng
Shine Gaz, 2.7kg, 5kg, 11kg, at 50kg LPG Cylinders
Ang publiko ay mahigpit na pinapaalalahanan na ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal:
β Pag-tamper ng LPG cylinders na may tatak na Shine Gaz.
β Ang pagtanggal, paninira, pagbabago, o pagtatakip ng trademark o alinmang opisyal na marka sa mga nabanggit na cylinder;
β Ang pagre-refill, pagbebenta, o pagdi-distribute sa mga naturang cylinder nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-ari ng trademark;
β Ang pagre-refill, pagbebenta, pagdi-distribute sa mga tampered cylinder;
β Ang paggamit sa naturang trademark nang walang pahintulot mula sa may-ari nito.
Ang sino mang lalabag ay kakasuhan sa ilalim ng Republic Act No. 11592 (LPG Industry Regulation Act) at Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines):
β’ Sa paglabag sa R.A. No. 11592 β Pagkakakulong ng hanggang labindalawang (12) taon, at administratibong multa na hanggang β±1,000,000.00, o β±100,000.00 kada LPG cylinder, pati na pagsasara ng negosyo at pagkansela ng lisensya;
β’ Sa paglabag sa R.A. No. 8293 β Pagkakakulong ng dalawa (2) hanggang limang (5) taon at multang mula β±50,000.00 hanggang β±200,000.00.
π’ Bukod sa mga nabanggit na parusa, magsasampa rin ang may-ari ng trademark ng kaukulang kasong sibil upang humingi ng kabuuang danyos, kabilang ang aktwal, moral, at exemplary damages, at attorneyβs fee, laban sa sinumang lalabag.
Para sa inyong sumbong, makipag-ugnayan sa:
π 0961 - 028 - 5310
π§ [email protected]