23/05/2026
Mag-ingat mga kabayan!
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐ฏ๐ฎ๐ถ, ๐ป๐ฎ๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ผ๐น๐ผ๐ธ๐ผ; ๐ฎ ๐ถ๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ
๐๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ญ ๐๐ณ๐ช๐ข๐ด, ๐๐ข๐ท๐ช๐ต๐ฆ โ Sa ikinasang operasyon ng Department of Migrant Workers (DMW), katuwang ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), agad naaresto kagabi sa General Trias, Cavite ang dalawang hinihinalang ilegal na rekruiter na sina Elmina Hajiruk Jawad alyas โMauโ at Angelina Paridjal Abduhasan alyas โJoshโ matapos ireklamo ng kanilang mga biktima dahil sa napakong pangakong trabaho sa Dubai.
Ayon sa reklamo, tatlong aplikante ang pinangakuan umano nina โMauโ at โJoshโ ng trabaho bilang nanny sa Dubai na may sahod na 1,600 dirhams kada buwan. Ipinakilala rin umano ng mga suspek na lehitimo ang proseso ng kanilang deployment at sinabing naghihintay na lamang ang mga aplikante ng kanilang pag-alis patungong Dubai.
Gayunman, sa isinagawang beripikasyon ng DMW, napag-alamang walang aprubadong job order para sa Dubai ang recruitment agency na ginagamit ng mga suspek para makapagpadala ng manggagawa sa nasabing bansa. Dahil dito, agad na nagsampa ng reklamo ang mga biktima sa tanggapan ng DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) kahapon nang umaga.
Habang ikinakasa ang operasyon laban sa mga suspek, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang iba pang mga aplikanteng umanoโy nabiktima sa nasabing lugar, dahilan upang agad silang ma-rescue ng mga operatiba.
Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang mga reklamong isasampa laban kina โMauโ at โJoshโ kaugnay ng paglabag sa mga batas laban sa illegal recruitment.
Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima nina โMauโ at โJoshโ na mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal.