San Pedro GovernMemes

San Pedro GovernMemes Balitang Totoo sa Bawat Kanto

KONSEHALA IRYNE VIERNEZA, AMOY ANGEL'S BREATH ANG UTOTUsap-usapan ngayon sa Session Hall ang isang kakaibang pangyayari ...
31/07/2026

KONSEHALA IRYNE VIERNEZA, AMOY ANGEL'S BREATH ANG UTOT

Usap-usapan ngayon sa Session Hall ang isang kakaibang pangyayari matapos umanong kumalat ang isang napakabangong amoy habang nagpupulong ang mga konsehal.

Sa halip na magtakipan ng ilong, ang mga nasa loob ng session hall ay naghanapan pa umano kung sino ang may dalang mamahaling pabango.

Ayon mismo kay Konsehal Abam Cataquiz, "Napahinto ako sa aking privilege speech nung naamoy ko, parang pinaghalong Angel's Breath na pabango, sampaguita, at bagong labang kumot."

Makalipas ang ilang minutong imbestigasyon, biro ng mga dumalo na ang pinagmulan umano ng "misteryosong amoy" ay si Konsehala Iryne Vierneza.

Napagalamanan na kinakabag pala si Konsehala Iryne kung kaya't hindi niya mapigilan ang pag-utot sa Session Hall.

Marami din sa mga konsehal ang nainggit sa utot ni Konsehala Iryne lalong lalo na si Konsehala Guis Castasus na pinilit pa umano si Konsehala Iryne na ibunyag kung ano ang kanyang kinakain at bakit ganong kabango ang kanyang utot.

Dahil din sa kaguluhan tungkol sa utot ni Konsehala Iryne ay nagising sa kanyang pagkakatulog si ABC President Jong Pascual na inakalang nananaginip lang dahil sa bango nito.

Ayon kay ABC Jong, "Naalimpungatan ako! Akala ko kakain na. Sobrang bango talaga! Ngayon lang ako naka-amoy ng ganong kabangong utot"

Sa ngayon, nananatiling palaisipan kung ano talaga ang nakain ni Konsehala Iryne at naging centro ng inggitan ang bango ng kanyang utot sa Session Hall.

KAP DONCILLO, HINIRANG NA "DUNONG GALING OFFICER" NG LIGA!Naging usap-usapan sa Liga ng mga Barangay ang pagkakahirang k...
29/07/2026

KAP DONCILLO, HINIRANG NA "DUNONG GALING OFFICER" NG LIGA!

Naging usap-usapan sa Liga ng mga Barangay ang pagkakahirang kay Kap Ernesto Doncillo bilang kauna-unahang Dunong Galing Officer, isang posisyong nilikha umano dahil wala na raw mapaglagyan ang sobrang talino nito.

Ayon sa ABC President na si Jong Pascual, malaking tulong umano si Kap Doncillo sa pagbibigay ng mga ideya at suhestiyon sa iba't ibang programa ng liga.

Ngunit hindi doon nagtapos ang mga kuwento.

Ayon mismo kay Kap. Sammy Rivera, "Ang alam ng mga tao, si Kuya Kim Atienza ang pinakamatalino. Ang hindi nila alam, si Kap Doncillo ang nagturo kay Kuya Kim ng unang trivia niya. Noong Grade 1 pa lang si Kuya Kim, may lecture na siya kay Kap."

Hindi pa doon nagtapos ang rebelasyon.

Ayon naman kay Kap. Nenen Talaga, si Kap Doncillo rin daw ang unang nagbigay ng ideya para sa ChatGPT.

"Ang original na pangalan niyan dapat ay ChatGDP — Chat Galing Doncillo Program. Pinalitan lang ng isang letra para hindi halata. Sa katunayan, bago sumagot si ChatGPT ay nagpapaalam muna ito kay Kap Doncillo." Dagdag pa ni Talaga

Ngunit ang pinakamatinding rebelasyon ay nang sabihin umano ni Kap. Larry Licmo na si Kap Doncillo rin ang nakaimbento ng photosynthesis.

Ayon kay Kap. Licmo, "Bago siya gumawa ng photosynthesis, puro brown ang mga dahon. Siya ang nagsabi sa mga halaman, 'Subukan n'yong gumamit ng araw.' Simula noon, naging berde na lahat."

Dahil dito, paliwanag umano kung bakit laging fresh na fresh ang aura ni Kap Egroy.

Dagdag naman ni Kap. Egroy, "Tuwing nakikita ko si Kap Doncillo, kusa akong nagpo-photosynthesis parang nag bo-bloom ang awra ko. Kaya kahit puyat ako, parang bagong dilig ang mukha ko."

Sa pagtatapos ng programa, nagkakaisa ang Liga ng mga Barangay sa isang resolusyon: "Kapag hindi alam ang sagot, huwag na i-Google... i-Doncillo mo na lang!"

- News Correspondent | Macky Anton

KAP MONCHIT, USAP-USAPAN DAHIL SA MAMAHALING PATEK PHILIPPE NA RELOUsap-usapan ngayon sa Liga ng mga Barangay ang bagong...
16/07/2026

KAP MONCHIT, USAP-USAPAN DAHIL SA MAMAHALING PATEK PHILIPPE NA RELO

Usap-usapan ngayon sa Liga ng mga Barangay ang bagong talagang Kapitan ng Barangay Sto. Niño na si Kap Monchit Mamawag matapos mapansing araw-araw na umano itong may suot na tila mamahaling Patek Philippe Nautilus.

Ayon sa ilang kapitan, wala pa raw itong tatlong buwan sa puwesto ay tila "pang-bilyonaryo" na ang dating ng kanyang wrist game.

Ayon kay Kapitan Egroy, "Parang may narinig kaming nagpatayo daw si Kapitan ng GayBar sa tabi ng Amante, hindi pa naman ito confirm, kasi hindi ko pa napupuntahan. Ugong ugong lang.

Biro naman ni Kapitan Tracy, "May nakapagsabi na may mga Pogo hubs na daw ngayon doon sa Sto. Nino, kaya nga hindi doon nadaan yung mga malalaking truck dahil baka daw masagasaan yung mga intsik.

May ilan ding nagsabing baka collector lang talaga ng relo si Kap Monchit na yung relo ni Ben 10 ay meron din siya.

Ngunit sa isang masayang inuman, napatawa ang lahat nang aminin mismo ni Kap Monchit ang tunay na kuwento.

Ayon mismo kay Kap Monchit, "Huwag na kayong mag-isip nang malalim. Sinamahan lang ako ni Mayor Art Mercado sa Quiapo para bumili ng 'Class SS' na relo. Doon sa kaibigan niyang si Abdullah Maute"

Nang tanungin kung magkano ang bili niya, diretsahan niyang sinagot: "Dalawang daan at limampung piso lang!"

Mas lalo pang nagtawanan ang lahat nang ipakita niya ang pinakaespesyal na feature ng relo.

Pagkapindot niya sa gilid... ay tumunog ng "Ayayayay... I'm a Little Butterfly..."

Sa ngayon, marami nang kapitan ang gustong magpasama kay Mayor Art Mercado sa kaibigan niyang si Abdullah Maute sa Quiapo. Ngunit sabi ni Mayor Art, tska na daw kapag tapos na silang mamigay ng mga uniform ng mga bata.

- Jastine Islan | News Correspondent

BAGYONG INDAY, HINDI KINAYA ANG BUHOK NI KAPITANA DIWA!Usap-usapan ngayon sa Barangay San Vicente ang tila "weather-proo...
16/07/2026

BAGYONG INDAY, HINDI KINAYA ANG BUHOK NI KAPITANA DIWA!

Usap-usapan ngayon sa Barangay San Vicente ang tila "weather-proof technology" sa buhok ni Kapitana Diwa Tayao matapos mapansing kahit dumaan ang Bagyong Inday, wala man lang umanong isang hibla ng buhok ang gumalaw.

Ayon sa mga residente, habang ang mga puno ay yumuyuko sa lakas ng hangin at ang mga bubong ay halos liparin, ang buhok ni Kapitana Diwa ay nanatiling nakaayos na parang bagong labas ng salon.

Ayon kay Silgrid Villanueva isang residente, "Yung bubong namin lumipad... pero yung bangs ni Kapitana, hindi man lang kumurap!"

Mas lalo pang nagtaka ang mga kapitbahay nang mapansin nilang kahit bagong gising umano si Kapitana, eksaktong-eksakto pa rin ang ayos ng kanyang buhok.

Dahil dito, kumalat ang iba't ibang teorya sa barangay.

May nagsasabing almirol daw ang inilalagay nito sa buhok.

May iba namang naniniwalang isang buong lata ng Aquanet ang nauubos bago matulog.

Isa pa sa pinaka-pinag-uusapan ay ang sikat na butterfly hair clip ni Kapitana.

Ayon sa mga residente, kahit bumagyo na, bumuhos ang ulan at humangin nang malakas...
..hindi pa rin umano lumilipad ang butterfly!

Hindi rin umano nakaligtas sa inggit si Konsehal Gius Castasus.

Ayon kay Lito Marquez, gusto raw nitong malaman ang eksaktong brand ng hairspray ni "Tita D."

May ilan pang residente ang nagbiro na baka raw dapat nang pag-aralan ng PAGASA ang buhok ni Kapitana Diwa.

Ayon naman kay Rey Gilbuena, "Kapag gumalaw na ang buhok ni Tita D... saka pa lang kami maniniwalang Signal No. 5 na talaga!"

Sa ngayon, wala pa ring kumpirmasyon kung almirol, Aquanet, o engineering adhesive ang sikreto ng kanyang hairstyle. Ang sigurado lang, mas matibay pa raw ito kaysa ilang poste sa barangay!

"CUYAB GOT TALENT! BARANGAY CAPTAIN EDITION!Bilang paggunita sa pagpanaw ng dating Kapitan Mario Pastidio ng Barangay Cu...
03/07/2026

"CUYAB GOT TALENT! BARANGAY CAPTAIN EDITION!

Bilang paggunita sa pagpanaw ng dating Kapitan Mario Pastidio ng Barangay Cuyab, dahil sa kanyang sakit.

Nahirapan sina Congresswoman Ann Matibag at Mayor Art Mercado na kumuha ng ipapalit sa kanya bilang bagong kapitan ng barangay. Kaya naisip nila, magpa-Cuyab Got Talents na lang sa mga aspiring Barangay Captain upang makita nila ang kandidatong may lidership skills, creativity at audience impact.

Ang tumayong mga celebrity judges ay mismong sina Congresswoman Ann Matibag, Mayor Art Mercado at Board Member Bernadeth Olivarez ngunit sina Congresswoman Ann at Mayor Art lamang ang nakadalo dahil may pinuntahan pa umanong fiestahan si BM Olivarez.

Unang sumabak sa Cuyab Got Talent Search for New Barangay Captain ay si kapitapitagang Jeff Omalin kung saan pinakita ninya ang kanyang talent sa pamamagitan ng pagtawid sa isang hibla ng miswa habang kumakain ng buhay na manok sa tugtog na bawal na gamot.

Maraming mga taga Cuyab ang na antig sa kanyang pinakitang talent kung kaya naman marami sa mga audience ang napaiyak at napahagulgol.

Nagpakitang gilas din si Kagawad Al De Borja na nagcostume ng teletabies habang nag interpretative dance sa kantang hinahanap-hanap kita ng Rivermaya.

Magtilian ang mga residente at napa standing ovation sila noong tinanggal ni Kagawad Al De Borja ang kanyang maskrang Teletabbies na walang pinagkaiba sa totoo niyang itchura.

Dahil nahirapan ang mga hurado kung sino ang kanilang pipiliin kay Jeff Omalin at Al De Borja ay tinawag nila ang psychic na si Rudy Baldwin upang alamin kung kanino mas mapapaganda ang kinabukasan ng mga residente ng barangay Cuyab.

Sa vision na nakita ni Rudy Baldwin, TAGA CUYAB SAN PEDRO LAGUNA VISION. MAGHANDA, DADANAK ANG PULANG DUG0 DAHIL SA KABI_KABILANG INTRAPMENT OPERASYON DAHIL SA TONETONELADANG PUTING BATO NA PARANG TAWAS ANG MARERECOBER SA LAWA NG LAGUNA. PAG NAGING KAPITAN SI KAGAWAD DE BORJA AY MAPAPABALIK ANG NAKUPIT NA HALAGA SA BARANGAY AT KAPAG SI OMALIN ANG NANALO AY MAS DADAMI LANG ANG CHICKS NITO.

Sa ngayon ay wala pang pormal na announcement mula sa mga celebrity judges. Ngunit isa lang ang totoo, nalinis ni Kapitan Pastidio ang cuyab mula sa masamang bisyo.

LOVE WINS! KAP OBET, NAGPA-LOVE UPGRADE DAW NG ILONG?!Usap-usapan umano sa Barangay Fatima ang diumano'y "ultimate proof...
03/07/2026

LOVE WINS! KAP OBET, NAGPA-LOVE UPGRADE DAW NG ILONG?!

Usap-usapan umano sa Barangay Fatima ang diumano'y "ultimate proof of love" ni Kap Obet Ordan matapos kumalat ang tsismis na nagpalapad daw ito ng ilong upang maging kahawig ng ilong ng kanyang pinakamamahal na asawa.

Ayon sa isang kagawad ng barangay, hindi raw ito simpleng cosmetic procedure kundi isang Couple Goals Project.

Mas lalo pang ikinatuwa ng mga residente nang mapansin na habang abala ang buong bansa sa iba't ibang isyu, tila iisa lang ang laman ng isip ni Kap Obet.

Sa aming personal na panayam kay Kap Obet. Ayon sa kanya, "Bahala na ang mundo sa problema nito. Ang priority ko ngayon, si misis."

Dagdag pa ng mga tanod ng barangay, kapag may nagtatanong tungkol sa pulitika, trapiko, o panahon, iisa lang umano ang sagot ni Kap Obet: "Mamaya na 'yan... date muna kami ng aking darling."

May ilan pang nagbiro na baka ang susunod na proyekto ni Kap ay "Magkaparehong Kilay Program" at "Couple Lips Ordinance" upang mas lalo raw silang magkamukha.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung totoo ang naturang tsismis. Ang sigurado lang, ayon sa mga netizens: "Kapag in love ka talaga, pati ilong, handang makisama."

KAGAWAD CHARITY SCAM, JAYVEE ANN VEGA, INIREPORT NA MAY EMERGENCY FUND MISSION PARA KAY KAP PASTIDIO... SCAM PALA!Isang ...
05/06/2026

KAGAWAD CHARITY SCAM, JAYVEE ANN VEGA, INIREPORT NA MAY EMERGENCY FUND MISSION PARA KAY KAP PASTIDIO... SCAM PALA!

Isang nakakagulat na insidente ang kumalat sa San Pedro matapos umano ang isang babaeng tumatakbo bilang kagawad ng Barangay Poblacion na nagpakilalang si “Jayvee Ann Vega” ay nanghingi ng tulong para sa diumano’y may sakit na si Kapitan Mario Pastidio.

Ayon sa ating source, nag-door-to-door umano si Jayvee Ann sa iba’t ibang kapitan sa lungsod at sinabing naospital daw si Kapitan Pastidio kaya nangangailangan ng agarang tulong ang pamilya nito.

Dahil dito, nagkaroon ng “instant bayanihan mode” ang mga kapitan.

CHIP-IN CHRONICLES:

Una sa listahan ang multi-bilyonaryong si Kap Erdie Malveda na agad nagpadala umano ng ₱200,000 via GCash.

Ngunit ayon sa kwento, ₱20,000 lang pala ang actual na naisend dahil wala raw suot na salamin si Kap Erdie at nagkulang ng isang zero sa pag-input.

Sumunod naman si Kap Jun Ynion na hindi lang pera ang ipinadala kundi pati 4 na box ng Shakey’s pizza at 4 na Starbucks coffee.

May pa-classic delivery umano na sinundan ng assurance: “Get well soon Kap!”

Hindi rin nagpahuli si Kap Diwa Tayao na nagpadala ng violet na rosaryo at 100 pirasong violet na pera bilang “spiritual + financial healing package.”

Samantala, si Kap Vioquelin B. Pascual Jr naman ay nagpadala ng Sleepasil at isang higanteng Snorlax stuffed toy para umano “gumaan ang tulog ni Kap Mario.”

Sa kabuuan, umabot umano sa mahigit ₱160,000 at iba’t ibang goodwill packages ang naipon sa pamamagitan ni Jayvee Ann.

Ngunit ang plot twist: WALANG SAKIT SI KAPITAN MARIO PASTIDIO.

Ayon pa sa ulat, si Jayvee Ann ay dati na ring nasangkot sa kontrobersiya matapos umano itong magwala sa Sangguniang Panlungsod dahil walang carrots ang pancit na inihain sa kanya.

Sa huling imbestigasyon, lumabas din umano na si Jayvee Ann ay sinasabing naturuan ng diskarte ni dating kapitan Abet Aquino, ayon kay Mhel Capinpin, para umano “makadiskarte ng dagdag budget sa darating na barangay eleksyon.”

Nalungkot ang pamilya ni Kapitan Mario sa nangyari at nanawagan ng mas maingat na verification sa susunod na “emergency announcements.”

Dagdag pa nila, sobrang nanghinayang umano sila sa Shakey's Pizza na ibinigay ni Kap Ynion lalong lalo na yung higanteng Snorlax na pilit nilang binabawi kay Jayvee Ann Vega.

- Mimi Miranda | News Correspondent

KUNG SI KAP EGROY ANG NANALO, SOLVE NA SANA ANG TUBIG CRISIS SA SAN PEDRO - AYON KAY PBBM!Patuloy na pinag-uusapan sa Sa...
05/06/2026

KUNG SI KAP EGROY ANG NANALO, SOLVE NA SANA ANG TUBIG CRISIS SA SAN PEDRO - AYON KAY PBBM!

Patuloy na pinag-uusapan sa San Pedro ang problema sa tubig matapos umano ang pagputok ng isang tubo ng PrimeWater na nagdulot ng malawakang water interruption sa ilang lugar.

Habang abala sina Congresswoman Ann Matibag at Mayor Art Mercado sa sunod-sunod na pakikipagpulong sa PrimeWater at San Pedro Water District para sa agarang solusyon, may isang lider na tila may “instant access” sa mas mataas na antas ng koordinasyon.

Si Kapitan Calixtro “Egroy” Alviar.

Ayon sa mga ulat, sa halip na maghintay ng technical meetings o inter-agency coordination, dumiretso umano si Kap Egroy sa Malacañang upang personal na kausapin si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ating exclusive interview kay Kap. Egroy. Ayon sa kanya, “Wala nang paligoy-ligoy. Direkta na agad kay President Bongbong Marcos at sa aking BFF na si First Lady Lisa Araneta - Marcos para mabilis ang aksyon.”

Mas lalong umingay ang usapan nang sabihin umano ni Pangulong Marcos na kung nanalo raw si Kap Egroy noong nakaraang eleksyon, “tapos na sana agad ang problema sa tubig ng San Pedro.”

Sa mga tagasuporta, ito na raw ang kumpirmasyon na si Kap Egroy ang “solution-oriented leader” na hindi na kailangan ng mahabang pulong.

Ayon mismo kay Palace Press Officer Claire Castro, “Kung si Kap Egroy ang nanalo, hindi na sana tayo mag-iisip ng PrimeWater meeting—may final answer na agad.”

Samantalang ang iba ay nasa meeting pa rin at naghahanap ng technical solutions, si Kap Egroy ay may “executive level connection” na agad—direkta sa pinakamataas na opisina.

Dagdag pa sa kwento, habang pinag-aaralan pa ang mga plano ng water distribution at repairs, may pa-“heroic proposals” din umano si Kap Egroy:

“Project: Presidential Water Pipeline”
Direktang linya ng tubig mula Malacañang hanggang San Pedro (exclusive lane for emergencies only)

“Operation: Chinook Reserve Plan”
Kapag bumaba ang pressure ng tubig, automatic dispatch ng helicopters na may dalang tubig at iced tea

at ang "Barangay Cuyab Water Treatment Facility"
Kung saan lilinisin ang mala-imburnal na tubig sa Laguna Lake at yun ang ibabahagi sa mga kabahayan. (Long Term Solution)

Sa ngayon, patuloy pa rin ang water repair efforts sa lungsod, ngunit para sa marami, isang bagay ang malinaw sa usapan:

Kung coordination ang labanan… si Kap Egroy daw ang may direct line.

- Atty. Roy Almoro | News Correspondent

HINDI ILONG, PISNGI NAMAN! KONSEHALA LESLIE LU, MAY TRANSFORMATION ERA!Usap-usapan ngayon sa lungsod ang umano’y bagong ...
05/06/2026

HINDI ILONG, PISNGI NAMAN! KONSEHALA LESLIE LU, MAY TRANSFORMATION ERA!

Usap-usapan ngayon sa lungsod ang umano’y bagong beauty journey ni Konsehala Leslie Lu matapos itong ma-inspire—o ayon sa mga kawani ng HR Department, mainggit—sa napabalitang transformation ni Konsehala Vivi Viaje Villegas.

Matatandaang naging laman ng usapan kamakailan si Konsehala Vivi dahil sa umano’y pagpapagawa nito ng ilong. Kaya naman ayon sa mga source mula sa loob ng opisina ni Konsehala Leslie, naisip din umano niyang panahon na para sa sarili niyang "Project: Youth Restoration."

Ayon kay Mrs. Leah Morando, “Halos araw-araw na po siyang nasa derma. Akala namin may committee hearing, yun pala may skin tightening appointment.”

Ayon pa sa mga insider, determinado umano si Konsehala Leslie na ibalik ang kanyang alindog noong nasa early twenties pa lamang siya.

Ngunit para hindi naman halatang ginagaya ang transformation ni Konsehala Vivi, ibang route daw ang kanyang pinili.

Napag-alaman na sa halip na ilong, sa pisngi umano nagpaturok si Konsehala Leslie upang makamit ang mas youthful at fresh na look.

Sa kasalukuyan, medyo maga pa raw ang kanyang pisngi kaya pansamantala muna itong hindi masyadong nagpapakita sa mga pampublikong aktibidad.

Bagama't wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kay Konsehala Leslie, marami na ang excited sa kanyang grand reveal.

Abangan ang susunod na kabanata ng kanyang beauty journey!

Ayon sa kanyang mga tagahanga, ang kasalukuyang pisngi ay "under construction," at malapit nang ilunsad ang Leslie Lu Version 2.0: Youth Reloaded Edition.

Stay tuned, Mga taga-SOL Pedro. May transformation reveal na paparating!

PRIMEWATER SAN PEDRO, BIBILHIN NA NI KAP ERDIE MALVEDA?! TUBIG NA AAGOS SA MGA GRIPO, MAPAGHIMALA!Isang malaking balita ...
26/05/2026

PRIMEWATER SAN PEDRO, BIBILHIN NA NI KAP ERDIE MALVEDA?! TUBIG NA AAGOS SA MGA GRIPO, MAPAGHIMALA!

Isang malaking balita ang yumanig sa San Pedro matapos umanong ihayag ng bilyonaryong barangay captain na si Kap Erdie Malveda ng Barangay Pacita 1 na plano niyang bilhin ang PrimeWater upang tuluyan nang maresolba ang problema sa tubig ng lungsod.

Ayon kay Kap Erdie, “Kung walang tubig, edi bumili tayo ng kumpanya. Ganun lang kasimple.”

Ngunit mas ikinagulat ng marami ang kanyang source of water supply. Ayon sa kanya, pinaplano nilang kumuha ng tubig mula sa sikat na Balon ni Lolo Uweng sa Landayan—isang balon na ayon sa mga kuwento ay “pinagpapala” at hindi umano nauubusan ng tubig kahit tag-init.

Hindi pa diyan natatapos ang plano. Kinumpirma rin umano ni Kap Erdie na nakikipag-usap na siya kay Romeo Amorado, Mayor ng Majayjay, upang kumuha rin ng supply mula sa Majayjay Falls—na direkta raw nanggagaling sa bukal ng mahiwagang Mount Banahaw.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Engineer Cholo Casacop na posible raw maglagay ng malalaking tubo sa Landayan at sa Majayjay upang direktang masuplayan ang buong San Pedro ngunit aabutin umano ng 50 years ang project bago ito matapos.

Ikinatuwa naman ito ni Kapitan Romeo Bonoan at Kapitan Bibot Baldomar dahil kahit kapiling na nila si Papa Jesus sa mga panahong yun at hindi na nila abutin matapos ang kontraksyon nito. Makakasiguro naman na mapaghimala ang tubig na dadaloy sa gripo ng mga taga SOL PEDRO.

Address

Barangay Pacita I
San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pedro GovernMemes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share