01/12/2021
Mahalagang anunsyo mga katubig
Magandang gabi po sa lahat ng aming minamahal na customers, kung sakali man pong may problema sa Purified Water natin na nagmula sa Triple A's Mineral Water Station ay maaari lamang pong magmensahe dito sa page nang diretso nang maagapan at mabigyan agad ng aksyon.
Sinisigurado po ng aming istasyon na ang Purified Water po na aming dinideliver ay dumaan sa masusing proseso, malinis, dekalidad at maayos na paghahatid sa inyong mga tahanan.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat din sa inyo sa patuloy na pagtangkilik sa aming produkto, sinisigurado po namin na kayo ay safe at umiinom ng malinis at dekalidad na inuming tubig.
Para sa kaalaman po ng lahat, ang ating Purified Water ay mayroong monthly laboratory test na kung saan ay tini-Test ng Aqua Lab Center ang tubig mula sa aming system para siguraduhing malinis ito palagi. Magkaroon man po ng kahit maliit na alikabok ay babagsak po ang Lab Test.
Maraming salamat po at manatili po tayong ligtas.
Hindi po natin ikayayaman ang paninira sa iba, bagkus maging masaya tayo sa nararating ng iba dahil darating din ang panahon naa para sa atin.