KeemLai

KeemLai Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KeemLai, Sorsogon.

07/10/2026

PNP MANHUNT OPERATION




07/10/2026

MALASAKIT PARA SA KABATAAN: KAPULISAN AT PAARALAN, NAGKAISA SA JOINT FEEDING PROGRAM SA MASBATE

MOBO, MASBATE | October 6, 2026 —Sa pamamagitan ng pagtutulungan para sa kapakanan ng kabataan, magkatuwang na nagsagawa ang Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) – R-PSB Team Sta. Maria at ang mga g**o at Grade 8 students ng Floro L. Medina Memorial High School ng feeding program para sa mga batang residente ng Barangay Sta. Maria, Mobo, Masbate nitong Oktubre 5, 2026.

Nakiisa ang R-PSB Team sa mga mag-aaral upang makapaghatid ng masustansyang pagkain habang isinusulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at aktibong pakikibahagi sa mga gawaing pangkomunidad.

Hindi lamang pagkain ang naihatid sa naturang programa. Naging pagkakataon din ito upang mahubog ang diwa ng bolunterismo, malasakit, at bayanihan, lalo na sa mga kabataang nagsisilbing mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas nagkakaisang komunidad.

Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng PNP Focused Agenda na nakatuon sa pagpapalakas sa Community Support, na nagbibigay-diin sa aktibong pakikiisa ng kapulisan sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawaing nakasentro sa komunidad, naipapakita na ang serbisyo ng PRO 5 ay umaabot sa mga usaping direktang nakaaapekto sa kapakanan at kinabukasan ng kabataan.

Kaakibat din nito ang Project ALAGANG KA-SU-ROG na naglalayong higit na ilapit ang kapulisan sa mamamayan sa pamamagitan ng makatao, maagap, at makabuluhang serbisyo. Sa pakikipag-ugnayan sa paaralan at kabataan, napapalakas ang tiwala at naitataguyod ang isang community partnership na may pangmatagalang epekto.

Para sa PRO5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G SILVIO, Regional Director, ang tunay na community policing ay nakikita sa kakayahang makiisa sa komunidad—mula sa pagpapanatili ng seguridad hanggang sa pagsuporta sa mga inisyatibang nagbibigay-pansin sa kapakanan ng kabataan. Sa bawat simpleng pagkilos, nabubuo ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Magtulungan po tayo. Kapag ang kapulisan, kabataan, paaralan, at komunidad ay nagkakaisa, mas nagiging makabuluhan ang bawat hakbang tungo sa progresibong lipunan.

07/10/2026

Ngayong tag-ulan, mahalagang maging handa at mag-ingat upang maiwasan ang aksidente at sakit na dulot ng masamang panahon. Sa tamang pag-iingat, masisig**o ang kaligtasan ng lahat. Narito ang ilang safety tips na dapat tandaan.

KA-SU-ROG



07/10/2026

RODEO COPS AT DICT, NAGKAISA PARA SA DIGITALLY CONNECTED NA KOMUNIDAD SA MASBATE

Matagumpay na nagsagawa ang Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) – R-PSB Team Jamorawon, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), ng installation at activation ng DICT Free Public WiFi facility sa Barangay Jamorawon, Milagros, Masbate nitong Oktubre 5, 2026.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nabigyan ang mga residente ng libre, accessible, at mas maaasahang internet connectivity—isang mahalagang tulong lalo na sa mga mag-aaral, g**o, pamilya, at iba pang nangangailangan ng access sa online education, communication, government services, at mahahalagang impormasyon.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa diwa ng PNP Focused Agenda, partikular sa pagsusulong ng community-oriented policing, responsive public service, at pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya at komunidad. Ipinapakita nito na ang makabagong police service ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng peace and order, kundi aktibong nakikibahagi sa mga programang tumutugon sa tunay at umuusbong na pangangailangan ng mamamayan.

Kaakibat din nito ang mas pinalakas na Project Alagang KA-SU-ROG, kung saan naipamamalas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PNP, DICT, Barangay Local Government Unit, at iba pang stakeholders ang isang makabuluhang modelo ng whole-of-community approach tungo sa mas ligtas, konektado, at empowered na pamayanan.

Sa pamumuno ni PBGEN Randy Glenn G. Silvio, Regional Director, patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 5 ang mga programang naglalapit sa serbisyo publiko sa mismong komunidad at naglalagay sa kapakanan ng mamamayan sa sentro ng police service. Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa bilang ng krimeng napipigilan—nasusukat din ito sa mga oportunidad na naibibigay, sa mga buhay na naaabot, at sa mga komunidad na napapalakas.

Mula seguridad tungo sa connectivity, mula presensya tungo sa serbisyo—ang PRO 5 ay patuloy na kumikilos, kumokonekta, at naglilingkod para sa isang mas ligtas, mas konektado, at mas empowered na Bagong Pilipinas.

07/10/2026

𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐓𝐇𝐄 𝐀𝐈𝐑𝐖𝐀𝐕𝐄𝐒 𝐓𝐎 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘: 𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐀 𝐒𝐀𝐅𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐄 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋

PCOL DARWIN S MIRANDA, Provincial Director, Sorsogon Police Provincial Office, attended a radio guesting hosted by Mr. Manly Boris Maraño of Botox Online News Sorsogon, focusing on the police preparations and security measures for the Kasanggayahan Festival 2026.

During the discussion, PD Miranda highlighted the deployment of 640 peacekeeping personnel, composed of 416 PNP personnel and 224 personnel from other Uniformed Services and force multipliers, to ensure the safety and security of residents and visitors throughout the festivities.

He also discussed the implementation of area security, crowd monitoring, access control, traffic management, and contingency plans to ensure a prompt response to emergencies and other possible incidents.

He emphasized that the successful and peaceful conduct of the festival requires a whole-of-community effort, with the PNP working closely with other Uniformed Services, local government units, emergency responders, medical teams, traffic personnel, barangay officials, volunteers, and other partner agencies.

PD Miranda likewise called on the public to remain vigilant and responsible by following security and traffic regulations, safeguarding their personal belongings, keeping watch over children, and immediately reporting suspicious persons, objects, or situations to the nearest authorities.

The radio guesting served as an avenue to strengthen public awareness and cooperation, reinforcing the commitment of the Sorsogon Police Provincial Office and its partner agencies to ensure a safe, peaceful, orderly, and successful Kasanggayahan Festival 2026.



07/10/2026

Address

Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KeemLai posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share