24/08/2026
Noong June 26, nag-take effect ang pinakamababang contestability threshold sa kasaysayan ng Pilipinas. Karamihan ng mga negosyong sakop nito, hindi pa rin alam.
Simula noon, kahit sinong establishment na may 100 kW peak demand ay pwede nang pumili ng sariling electricity supplier. Dati, 500 kW ang floor. Sa praktika: mga school, hotel, BPO floor, cold storage, at light manufacturing β pasok na. Mga 12,000 bagong eligible na customer. At kung multi-branch ang negosyo mo, pwede mong pagsamahin ang mga site para mag-qualify.
Ito ang lagi kong nakikita sa mga audit: mga kumpanyang nagbabayad ng captive rates kahit qualified na pala sila. Walang nagsabi sa kanila. Nakasulat na ang sagot sa bill nila β walang tumingin.
Isang bagay na dapat mong malaman bago ka makipag-usap sa kahit anong supplier: ESCO (Energy Service Company) kami, hindi RES ( Retail Electricity Supplier). Hindi kami nagbebenta ng kuryente. Ang trabaho namin ay nasa side mo ng mesa β i-confirm kung qualified ka, i-compare ang mga offer, i-negotiate ang kontrata, at ayusin muna ang demand profile mo para lakas ang dating mo sa negosasyon.
Ilang minuto lang ang eligibility check. I-send mo sa akin ang peak demand mo (nasa Meralco bill mo yan) at sasabihin ko kung contestable ka. Libre ang sagot.
Call now to connect with business.