06/19/2026
I share ko lang ang inspiring story ng isa sa mga coaches namin sa business na si coach Eden from Lipa Philippines. From wala to successful digital and online business. 👇👇
From a dreamer… to a mom with a bigger dream. ❤️
Minsan naiisip ko ang batang ako.
Yung estudyanteng pumapasok sa Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, habang nagtatrabaho bilang caddie sa golf course para may maipamasahe, pambayad sa miscellaneous, at may maitulong sa pag-aaral ng mga mas bata kong kapatid.
Pag-uwi naman nagbbantay ng naipundar kong maliit na sari-sari store para may dagdag kita ang pamilya.
Hindi madali ang buhay, pero isang bagay ang hindi nawala sa akin—pangarap.
Pangarap na balang araw, hindi na kailangang mamili ng pamilya ko kung kakain ba o magbabayad ng bills. Pangarap na magkaroon kami ng choices.
Kaya dumating ang panahon na nangibang-bansa ako. Nagtrabaho sa Taiwan, malayo sa pamilya, tiniis ang homesick at lungkot para lang kumita at makatulong.
Pero habang tumatagal, may isang pangarap na mas lumaki.
Ayokong maranasan ng mga anak ko ang parehong hirap na pinagdaanan ko.
Gusto kong lumaki sila na may masaganang buhay.
Yung may kalayaan silang piliin ang kursong gusto nila, ang trabahong gusto nila, at ang buhay na gusto nilang tahakin—hindi dahil napipilitan, kundi dahil may choice sila.
Naniniwala ako sa kasabihang:
“Hindi ko kasalanang ipinanganak akong mahirap, pero magiging responsibilidad ko kung hahayaan kong manatiling ganoon ang susunod na henerasyon ng pamilya ko.”
Kaya araw-araw akong nagsisikap. Hindi para lang kumita, kundi para baguhin ang kwento ng pamilya namin.
At kung may isa mang gusto kong ipaalala sa mga nangangarap din ngayon:
Hindi hadlang ang pinanggalingan mo. Hindi sukatan ng future mo ang sitwasyon mo ngayon.
Puwedeng manggaling sa simpleng bahay, magbanat ng buto habang nag-aaral, umiyak sa pagod, at mangarap nang malaki.
Because sometimes, the biggest success stories start with someone who simply decided:
“Hanggang dito na lang ang cycle ng kahirapan. Sa henerasyon ko, magbabago ang kwento.” ❤️🙏👇👇
www.remitiomarketing.com