06/24/2019
Akala nila madali ang buhay sa abroad. Oo, dollars ang sweldo.. pero dollars din ang gastos. Lahat binabayaran dito, ultimong pagkoleta ng basura. Kung wala kang sariling sasakyan, aabutin ka ng ilang oras kung mag ko-commute ka sa train or bus. At kapag may sasakyan ka, kukuha ka ng auto insurance. At hindi pwedeng wala ditong health insurance. Iba pa yun sa insurance ng sasakyan. Pati yun babayaran mo buwan-buwan. Kung wala kang kamag-anak na magbabantay sa maliit mong anak, ipapasok mo siya sa daycare na ang bayad eh lagpas kalahati pa ng isang buwang sweldo mo. Mayaman ka kung may sarili kang bahay. Dito kukuha ka ng bahay sa banko at babayaran mo ng 20-30yrs. Kapag hindi ka nakabayad sa mga utang, ilalagay ka sa mga collection agencies at nakatatak na yun sa records mo. Bihira dito ang kapitbahay na makaka chikahan mo sa labas kasi lahat busy na naghahanap-buhay dahil hindi pwedeng nakatanga ka lang sa bahay sa dami ng dapat mong bayaran.
Pero alam nyo kung ano ang malaking kaibahan? Dito, mapipilitan kang kumilos. Walang umaasa sa magulang. Sa edad na 18, nagtatrabaho na. Kaya wala ditong utang na loob dahil buhay mo, intindihin mo. Kung wala kang pera, sa banko umuutang - hindi sa kamag-anak o kaibigan. Matututo kang maging responsable. Yung mga bagay na walang kinalaman sa pag-unlad ng buhay mo, hindi mo pag aaksayahan ng oras. Walang tumatambay after ng trabaho. Walang inuman na inaabot ng madaling araw. Ang relasyon, yearly ang celebration, walang monthsary. Walang buwan-buwang regalo at out of town trips. Pinaghahandaan dito ang retirement, hindi inaasa sa mga anak ang pag-aalaga kapag matanda na.
Kaya yung mga nagsasabi na maswerte kaming mga nasa ibang bansa, siguro nga swerte kami. Pero lahat ng meron kami dito, pinaghihirapan at pinagkakagastusan. Wala ditong libre. Kaya wag sana sumama ang loob nyo kung hindi kayo nabigyan o napahiram ng mga taong nasa abroad.
Nakaka-relate ka ba? Paki-share na lang po. Salamat!