03/06/2026
Hindi ko ginusto ang mga pangyayari, ngunit kailangan kong gampanan ang aking mga pananagutan. Alam kong may mga tungkulin akong hindi lubos na nabibigyang-pansin, subalit buong puso kong sinisikap na punan ang bawat pagkukulang.
Marahil, sa paningin ng iba, ako'y nagpabaya. Ngunit ang hindi nila nakikita ay ang mga bagyong tahimik kong nilalabanan at ang mga pasaning pilit kong binubuhat upang manatiling matatag.
May mga pagkakataong kailangan kong maglayo upang mas mapangalagaan ang mga bagay na higit na mahalaga. At kung ako man ay nagkulang, ito'y hindi dahil ako'y tumigil sa pagmamalasakit, kundi dahil ako rin ay isang taong patuloy na natututong balansehin ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa akin.