05/10/2026
LPG, MULING TUMAAS; 11-KILONG TANGKE POSIBLENG UMABOT SA ₱1,600
Muling tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Oktubre 3, na maaaring umabot sa kabuuang ₱18 kada kilo ang dagdag-presyo ngayong buwan.
Ayon kay LPG Marketers Association founder Arnel Ty, unang ipinatupad ang ₱10 kada kilo na dagdag-presyo ngayong Oktubre 3. Susundan ito ng ₱5 kada kilo sa Oktubre 10 at ₱3 kada kilo sa Oktubre 17.
Kapag naipatupad ang lahat ng dagdag, maaaring umabot sa ₱1,600 ang presyo ng 11-kilogram na LPG tank mula sa dating nasa ₱1,400.
Ayon kay Ty, kabilang sa nagtutulak sa pagtaas ang mataas na international LPG contract prices at freight costs na nauugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East at pagsasara ng Strait of Hormuz.
Para naman sa Regasco, ipatutupad ang ₱10 kada kilo na dagdag-presyo simula Oktubre 3.