Sarayutv

Sarayutv Uplifting and empowering OFW’s to help them improve their lifestyles,giving informative information, may it be financial, business, education or skills.

05/06/2018

Always help others even if you know they can't help you back.

"ANG KWENTO NG BUTO" (Inspiring MUST READ.)Isang mayamang negosyante ang tumatanda na at alam nyang panahon na upang pum...
07/03/2018

"ANG KWENTO NG BUTO" (Inspiring MUST READ.)

Isang mayamang negosyante ang tumatanda na at alam nyang panahon na upang pumili siya ng taong papalit sa kanya sa pamamahala ng kanyang negosyo. Sa halip na pumili mula sa kanyang mga anak at mga direktor, nagdesisyon siya na gumawa ng isang kakaibang paraan. Ipinatawag nya ang 'young executives' ng kumpanya.

Ang sabi nya, "Panahon na para ako'y magpahinga at pumili ng papalit sa akin bilang CEO. At nagpasya ako na pumili ng isa sa inyo." Nagulat ang 'young executives' ngunit nagpatuloy ang boss. "Bawat isa sa inyo ay bibigyan ko ng BUTO ngayong araw na ito - isang espesyal na BUTO. Itanim ninyo ito, diligin at bumalik kayo dito 1 taon mula ngayon dala ang inyong tanim mula sa butong galing sa akin. Hahatulan ko kayo mula sa halamang dadalhin ninyo at ang taong mapipili ko ang papalit sa akin bilang bagong CEO."

Si Jim ay nanduon ng araw na iyon at gaya ng ibang kasama nya ay tumanggap din ng buto. Umuwi na sobra ang pananabik at ikinwento nya sa kanyang asawa ang pangyayari. Tinulungan siya nitong kumuha ng paso, lupa at pataba, at itinanim nila ang buto. Araw-araw ay dinidiligan ni Jim ang paso at inaabangan ang pagtubo ng buto. Matapos ang 3 linggo, ang ibang kasama ni Jim ay nag-uusap na sa kanilang mga buto at halaman na nagsisimula na nilang mapalaki.

Palaging tinitingnan ni Jim ang kanyang buto ngunit wala pa ding tumutubo mula doon.

Tatlong linggo, apat na linggo, limang linggo ang lumipas, wala pa din.

Ang mga kasama niya ay masayang nagkukwento tungkol sa kanilang mga halaman, ngunit si Jim ay wala pang napatutubo man lang...at nakaramdam na siya ng pagkabigo.

Anim na buwan ang lumipas - wala pa ding tumutubo sa paso ni Jim. Naisip tuloy nya na napatay nya ang kanyang buto. Ang mga kasama nya ay mayroon nang matataas at mayayabong na halaman - ngunit siya ay wala. Wala siyang binanggit sa kanyang mga kasama. Sa halip ay patuloy pa nyang diniligan at pinatabaan ang lupa sa kanyang paso - gusto nyang mapatubo pa din ang buto.

Lumipas ang isang taon at lahat ng 'young executives' ay dala ang kanilang mga halaman para makita ng kanilang CEO. Sabi ni Jim sa kanyang asawa ay 'di siya magdadala ng walang lamang paso.

Ngunit tugon ng kanyang asawa ay maging tapat sa mga pangyayari. Masama ang pakiramdam ni Jim at sa kanyang tingin ay 'yun na ang pinaka-nakakahiyang araw sa buong buhay nya, ngunit alam nyang tama naman ang kanyang asawa. Dinala nya ang kanyang walang lamang paso sa 'boardroom'. Pagdating nya ay namangha siya sa uri ng mga halamang dala ng kanyang mga kasama. Lahat ay magaganda - ang mga hugis at laki. Ibinaba ni Jim ang kanyang paso sa sahig. Pinagtawananan siya ng karamihan at ang iba ay nalungkot para sa kanya.

Nang dumating ang CEO, tiningnan nya ang silid at binati ang 'young executives'.

Si Jim naman ay nagtatago sa gawing likuran. "Wow...anong ganda ng mga halamang inyong napalaki at ang mga bulaklak nito!" wika ng CEO. "Ngayon, isa sa inyo ang hihiranging susunod na CEO."

Nakita ng CEO si Jim na nasa likod dala ang kanyang paso na walang laman. Ipinatawag niya ito sa kanyang financial director at dinala sa harapan. Nabigla si Jim at naisip nyang pumalpak siya at malamang ay paalisin na siya.

Nang nasa harap na siya ay tinanong ng CEO kung ano ang nangyari sa kanyang buto - at sinabi nya ang buong kwento.

Pinaupo ng CEO ang lahat maliban kay Jim. Tiningnan niya ito at sinabi sa 'young executives'..."Narito ang inyong susunod na CEO!"

"Siya ay si Jim!" 'Di makapaniwala si Jim sa narinig. Hindi nga nya napatubo ang kanyang buto.

"Paanong siya ang susunod na CEO?" tanong pa ng iba.

Sagot ng CEO, "Isang taon ang nakaraan, lahat kayo ay binigyan ko ng buto upang itanim, diligin, patubuin, alagaan at dalhin sa araw na ito. Ngunit ang ibinigay ko sa inyo ay patay na buto - at imposibleng tumubo ang mga ito."

"Lahat kayo maliban kay Jim ay dinalhan ako ng naggagandahang halaman. Pinalitan ninyo ang inyong mga buto nang malaman ninyong 'di ito tutubo. Si Jim lang ang may tapang at katapatan na magdala ng pasong buto lamang ang tanging laman. Kaya't siya ang magiging bagong Chief Executive Officer!"

Moral Lesson:

Maging TAPAT po tayo anuman po ang ating mga ginagawa.

May kasabihan po na "Kung ano ang ating itinanim ay siya nating aanihin."

Plant honesty and reap trust.
Plant goodness and you reap friends.
Plant humility and reap greatness.
Plant perseverance and reap contentment.
Plant consideration and reap perspective.
Plant hard work and reap success.
Plant forgiveness and reap reconciliation.
Plant faith in GOD and reap a harvest.

Ang tanong "ANO BA ANG ITINATANIM NATIN NGAYON?"

PS. SANA MAY NAPULOT KAYO SA KWENTO NA TO.

Kung nabasa at nagustuhan mu ay pakisulat lamang ang "AMEN" at ipasa sa iyong timeline kung naging mabuti ka sa kapwa mo.

12/11/2016

Next week Members Only Coaching & BONUS will be...

"6 Figure Facebook Marketing Blueprint".

My Business partner Coach Raymond Gerald R. Tabaque will teach us kung pano mo gagamitin si Facebook to earn your 1st P100,000 or MORE in your business using Facebook.

Ang PROBLEMA kasi...

Maraming online marketers at entrepreneurs ang ginagamit si facebook for their business.

Kaso nga lang karamihan MALI yung approach at MALI yung strategy na ginagawa.

Sa estimate ko, more than 95% ay maling approach ang ginagawa sa facebook. No wonder bakit hindi sila nagkakaresulta gamit ang facebook.

This training will be very detailed and step by step. After mo umattend sa coaching na 'to, alam mo kung ano yung eksaktong kaylangang gawin para ma-leverage mo ng TAMA si facebook.

At sasabihin mo, sana dati ko pa nalaman itong mga information na 'to.

Kung paid member ka na ng Unity Network automatic may access ka sa Live Online Coaching na 'to.

Kung sakaling hindi pa, make sure to take action before Friday para magkaron ka ng exclusive members access sa "6 Figure Facebook Marketing Blueprint" Live Online Coaching.

See you on the coaching soon!

Video 1
http://1478657566.theunitynetwork.com/serye
Video 2
http://1478657566.theunitynetwork.com/masterplan
video 3
http://1478657566.theunitynetwork.com/domination

Make sure na mapanuod mo ang video presentation na ito..

Contact me as soon as possible.

Address

Castle Peak Road Hongkong
Yuen Long

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sarayutv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share