10/08/2026
HABANG DUMADAMI ANG BRANCHES, MAS GUSTO KONG PERSONAL SILANG MAPUNTAHAN.
Nandito ako ngayon sa Germike Packaging Biñan Branch para kamustahin ang aming partners Kasi iba pa rin kapag ikaw mismo ang nakakakita.
At nakakatuwa hindi lang basta nakatayo ang mga branches natin. Lumalakas sila. Gumagalaw. At patuloy na lumalaki.
Dati, pangarap lang natin na makarating ang Germike Packaging sa iba’t ibang lugar. Ngayon, isa-isa na nating binibisita yung mga branches na dati plano lang natin.
Pero hindi tayo kuntento na basta dumami, gusto natin bawat branch patuloy na lumalakas
Para sa akin, hindi sapat na nakapagbukas tayo ng maraming branches.
Ang mas importante, habang lumalaki ang Germike Packaging, sabay-sabay din dapat lumalakas ang mga taong kasama natin.
Kaya kahit marami pa tayong gustong puntahan at buksan, babalikan at bibisitahin pa rin natin yung mga nauna nang nagtitiwala sa atin.
Checking in at Biñan Laguna Branch Germike Packaging . 📍
Isa-isa lang. Branch by branch.
Malayo na, pero marami pa tayong bubuuin.📦🧡
̈anbranch