26/08/2026
Sa lahat ng Pilipino sa New Zealand, Maligayang Linggo ng Wika! 🇵🇭
Sa pagdiriwang natin ng ating wika, ipinagdiriwang din natin ang pagiging Pilipino. Ang ating pagkakakilanlan ay nabuo sa mga kuwentong naipasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod, at sa iba’t ibang wikang ginagamit sa buong Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga ito, dala natin ang mga karanasan, paniniwala, at pagpapahalagang nag-uugnay sa atin sa ating pinagmulan.
Ang pamumuhay sa ibang bansa ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong makilala ang iba’t ibang tao at makaranas ng bagong paraan ng pamumuhay. Pero saan man tayo dalhin ng buhay, dala pa rin natin ang puso ng pagiging Pilipino. Sa mga pagpapahalagang ating pinanghahawakan, sa wikang ating ginagamit, at sa kulturang ating ipinapasa, nananatiling malapit ang ating puso sa tahanan.
Patuloy nating ipagmalaki kung sino tayo at kung saan tayo nagmula.
To all Filipinos in New Zealand, Maligayang Linggo ng Wika! 🇵🇭
As we celebrate our language, we also celebrate our identity as Filipinos, an identity shaped by generations of shared stories and the many voices spoken across the Philippines. These languages carry the experiences and values of our communities, connecting us to those who came before us.
Living overseas allows us to encounter different ways of life and connect with people from diverse backgrounds. Yet wherever life takes us, we continue to carry the heart of being a Filipino. Through the values we uphold, the language we speak, and the culture we pass on, our connection to home remains strong.
Let us continue to take pride in who we are and where we come from.
Ito ang ating wika, ito ang ating kultura, at ito ang ating pagka-Pilipino. 🇵🇭