07/08/2026
HYDROPURE
PATAK NG PAG-ASA
Scholarship Program
2026-2027
Ang Hydropure Water Refilling Station, Inc. sa Pangangasiwa ng KCRWSA, Inc. ay naglunsad ng isang scholarship program na tutulong sa mga karapatdapat na mag-aaral ng E. Licup Elementary School para sa taong 2026-2027. Ito ay naglalayong makapagbalik tulong sa komunidad sa kanilang walang sawang pagtangkilik sa proyektong water refilling.
Mula taong 2018 ang water refilling bilang isang proyekto na naitayo sa programa ng DSWD Kalahi Ciddss ay nagserbisyo sa komunidad at nagnanais ng patuloy na pagbabalik tulong na isa sa adbokasiya nito.
Sa isinagawang buwanang pulong ng BOD at mga opisyales ng KCRWSA, Inc. na ginanap noong Hulyo 31, 2026 ay binalangkas at inaprubahan ang "Patak ng Pag-asa Scholarship Program"
Kaugnay nito, tayo ay nakipag-ugnayan sa Pangasiwaan ng E. Licup Elementary School noong nakaraang Agosto 4, 2026 upang pag-usapan ang pagtutuwangan para dito.
Target ng programa ang makapagbigay tulong sa apatnapung (40) mag-aaral.
See less