28/09/2026
Sa panahon ngayon, hindi muna uso ang DISCOUNT. LIBRE. π
Hindi dahil madamot ang mga negosyoβkundi dahil ramdam na ramdam na rin namin ang bigat ng lahat ng gastusin.
Puhunan pataas.
Ingredients pataas.
Kuryente, renta, sahod at billsβpataas din.
Pero ang kita? Paliit nang paliit.
Kaya bago tayo humingi ng discount, sana maintindihan din natin ang pinagdadaanan ng maliliit na negosyo.
Hindi lang presyo ang pinag-uusapan dito. Kabuhayan ang nakataya.
Sa panahon ngayon, bawat order, bawat customer at bawat suportaβmalaking bagay na.
Hindi muna uso ang discount.
Ang uso ngayon: TULUNGAN NATING MABUHAY ANG ISA'T ISA. β€οΈ
Matira ang matibay. π
SA NEGOSYO NGAYON,MATIRA ANG MATIBAY.
Sa panahon ngayon, hindi biro ang magnegosyo.
Tumaas na ang halos lahatβpuhunan, ingredients, kuryente, renta, sahod at iba pang gastusin. Pero ang kita? Paliit nang paliit.
Minsan, hindi na lang talaga ito tungkol sa kung magkano ang kinikita. Ang bawat araw na bukas ang tindahan ay isang laban. Bawat customer na pumapasok, bawat order, bawat maliit na kitaβmalaking bagay para maipagpatuloy ang negosyo.
Dahil hindi lang naman survival ng negosyo ang ipinaglalaban natin. Kasama rito ang kabuhayan ng mga taong umaasa dito, ang mga empleyadong may pamilya ring pinapakain, at ang mga pangarap na ayaw nating basta isuko.
Hindi araw-araw malakas. Hindi araw-araw puno ang tindahan. May mga araw na nakakapagod, nakakadismaya, at mapapaisip ka kung kaya pa ba.
Pero hangga't may dahilan para lumaban, lalaban.
Sa lahat ng kapwa negosyanteng patuloy na bumabangon kahit mahirapβkapit lang. Hindi man mabilis, basta patuloy. β€οΈ
Matira ang matibay. At sana, tayong lahat, makaraos. π