13/11/2023
Employee : Kami tumatrabaho para yumaman ang boss namin. Kami yung pumapasok, nagmamanage at gumagawa ng product / service at nagpapasok nang benta. Kaya merong kumpanya dahil samin.
Employer : Kaming mga employer ang nag take nang risk para mag start nang business. Mula sa Idea hanggang sa pagexecute. Kami bibili nang lupat, magpapatayo nang building or magrirent tapos ipaparenovate and kukumpletuhin ang office equipments, machineries, electricity, internet, water, pantry, tables, chairs pari papel, ballpen, printer, aircon or fan, computer, monitor at marami pang iba.
Kami din ang mag aayos nang zoning permit, barangay, mayors, sec, dti, denr, LLDA, SEC or DTI, BIR, FDA, Import Export permit pati home owners association.
Kami din mamumuhunan, maghahanap nang tao, mangugutang, magpifinance, hahanap nang sasakyan, kliyente at tatrabaho habang tulog na kayo or nakauwi na sa mga pamilya mo.
Kami din ang malulugi pag nagsara ang negosyo at magbabayad sa mga utang, separation pay, closing nang business.
Kami din ang madedemanda, magdedemanda, masisira ang integrity at hahabulin nang government or private entities.
Yes mawawalan kayo nang trabaho pag nagsara ang business namin pero makakahanap kayo nang ibang papasukan while kami pupulutin kung ano ang matitira.
And by the way kung hindi namin ititake yang risk na yan, wala kayong trabaho at nakatunganga lang at wala kayong gagawing trabaho or bentang ipapasok sa kumpanya na hindi nageexist 🙂
Hindi ka masaya sa success nang company ng employer mo? Quit! Hindi mo ma appreciate pinoprovide nang employer mo? Quit! Feeling mo mas kailangan ka? Quit! Kahit mawala ka sa employer mo kakayanin nya yan kasi kailangan nya kayanin.
Yes mas kumikita sila kung may kita pero pag wala lalayasan mo lang sya at maguumpisa sa iba.
Is that fair? Yes! Sobrang risk ang dinadaanan nang mga employers. We are not asking na maging grateful pa kayo, just do your job and give your best masaya na kami don 🙂
Alulup Cafe & Restobar
Ctto: RG de Jesus