17/07/2025
Learning Style ng Bawat Bata ay Mahalaga
Bawat bata ay may kanya-kanyang learning style, kaya mahalagang maunawaan natin kung paano sila natututo nang mas epektibo. May mga batang visual learners na mas natututo kapag may mga larawan, kulay, charts, at videos. Mahilig silang gumamit ng drawings o mind maps para mas maintindihan ang lesson. Meron namang auditory learners na mas naiintindihan ang aralin kapag ito ay naririnig. Mas epektibo para sa kanila ang mga discussions, songs, o kwentuhan. Samantala, ang mga kinesthetic learners ay natututo sa pamamagitan ng paggalaw. Mas gusto nila ang hands-on activities, role-playing, o anumang interactive na laro. Meron ding reading and writing learners na mas komportable sa pagbabasa at pagsusulat. Natututo sila kapag binibigyan ng readings, worksheets, at pagkakataong magsulat. Kaya bilang g**o, magulang, o mentor, mahalaga na kilalanin natin ang learning style ng bawat bata para mas matulungan natin silang matuto sa paraang bagay sa kanila. Iba-iba man ang kanilang estilo ng pagkatuto, lahat sila ay may kakayahang matuto at magtagumpay.