03/10/2026
π ππππ‘π ππ ππ‘π ππ‘π§ππ₯π‘ππ§ ππ’π‘π‘πππ§ππ’π‘ π π’? ππππ ππ§π’ ππ‘π πππππππ‘
Kung mabagal, intermittent, o biglang nawawala ang internet mo, hindi ang modem o cellphone mo ang problema.
May major disruption ngayon sa international internet connectivity ng Pilipinas dahil naputol ang mga submarine cable link ng bansa patungong Singapore at Hong Kong nitong Friday, October 2.
Kinumpirma ng PLDT ang submarine cable cut na nakaapekto sa serbisyo nationwide.
Ayon naman sa PADECO, apektado rin ang ruta patungong Hong Kong kaya malaking bawas ito sa available international bandwidth ng bansa.
Bilang solusyon, nag-reroute na ng internet traffic ang PLDT, Globe, at Converge sa ibang alternative links upang mabawasan ang epekto.
Dahil sa isyu, asahan ang mas mabagal na loading, mataas na latency, at intermittent connectionβlalo na kapag gumagamit ng mga website, app, at server na naka-host sa ibang bansa (offshore).
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, patuloy pang iniimbestigahan ang eksaktong sanhi ng disruption.
Tinatayang nasa 300 gigabits per second (Gbps) na capacity ang pansamantalang nawala, ngunit may reserve capacity umano ang network upang saluhin ito.
Hindi tuluyang mawawalan ng internet ang Pilipinas dahil may ibang international routes, ngunit sadyang magkakaroon ng congestion.
Patuloy itong mino-monitor at inaayos ng mga telco at DICT.
Kaya kung mabagal ang internet mo ngayon, nasa ilalim ng dagat ang problemaβwala sa Wi-Fi router mo.