23/05/2026
Maaring nasa bloodline. Pwede ring kulang sa sistema o ensayo. Nasa conditioning at minsan pweding sabihing kinulang sa swerte. Ang mga manok ay may maliit na utak, kung ano ang na-ipapakita, naipapagawa at sistema na meron sila sa araw-araw yung ang sinusunod nila. Kung walang ensayo o training natural lang na pwedeng humina ang endurance nito pagdating sa bakbakan kasi wala ngang sapat na ensayo, kaalaman at mahina ang katawan pag napagod. Parang basketball player din yan e, hindi magiging magaling at malakas kapag walang praktis, sistema at disiplina. Maaring ang manok ay natural na magaling dahil sa bloodline ngunit kung walang sapat na training, sistema at disiplina, ang kahihinatnan ay pagkadismaya.
Opinyon ko lang.