12/01/2023
☑️Ano ang TPC Gateways?
- dito po natin ise-send ang Load Commands po natin.
☑️Ano po ang Secondary Gateways?
- Ito po ay ang 4 digit number na 8724 at 2012. Ito ay libreng gateway na pwede natin isend ang ating paglo-load sa customer. Ang pwedeng gumamit lamang nito ay SMART, TNT, SUN users. Ito po ay binigay ng Network exclusive lang po para sa TPC!
HINDI KAILANGAN NG REGULAR BALANCE or UNLI!
👉8724 FREE GATEWAY
- Pwede ka makapag-Load sa DITO, SMART, TNT, SUN, CHERRY, TM, GLOBE, CABLES, GAMES, Regular Load or Promo Loads.
👉2012 FREE GATEWAY
-Pwede ka makapag-Load sa SMART, TNT, SUN ng Regular Load at Promo Load.
👉21581829 FREE GATEWAY
- Ito ay free access code for TM/Globe users. Ito ay ibreng gateway na pwede natin isend ang ating paglo-load sa customer. Ito po ay binigay ng Network exclusive lang po para sa TPC!
- Kung ang eLoading number mo ay Globe o TM, maaari mo itong gamitin na gateway para ikaw ay makapagload sa Lahat ng Networks!
☑️Ano naman po ang Primary Gateways?
- Ito ay 11 digit number mismo ng TPC bago pa man tayo magkaroon ng mga libreng Gateways.
- Kung sakali ang libreng Gateway na 8724, 2012 at 21581829 ay DOWN or Under Maintenance. Pwede po tayo mag send sa 11 digit gateway ng TPC.
- Kailangan may PISO regular balance o Naka-UNLI para makapagsend.