12/10/2024
Maraming gusto mag negosyo katulad ng ginagawa nmin pero palaging itatanong sa asawa, itatanong sa nanay, itatanong sa kapatid, itatanong sa kaibigan, itatanong sa kinauukulan etc.
Bakit nga ba mahirap mag decide kahit gusto nila? Dahil malaking factor ang kakulangan sa pera kaya kailangan mag ask pa sa iba. Ang hirap pag walang pera, madalas ibang tao ang magdedecide para sayo. Kailangan mo palaging magpaalam. Palaging may kumokontra. Palagi silang may sasabihin.
Kaya kung gusto mong maging malaya sa marami aspeto, solusyunan mo yung problema mo sa pera. Kung kinukulang tayo, gawin nating motivation yun para lalo tayong magsikap dahil madalas ginagawa nating rason ang kahirapan kung bakit di natin nagagawa ang mga gusto natin.
Kaya kung gusto mong magsimula, decide ka lang, makinig ka sa sarili mo, ikaw ang higit na nakakaalam kung anong gusto mo at sure ako na pareho tayo ng iniisip, yun ang magpapasaya sa atin.