29/01/2022
Magandang araw mga ka Juan C🍚P of RICE!
Nais mo bang mag tayu ng BIGASAN ngunit kulang sa kaalaman sa pagtayo ng sariling negosyo. Ito ang aming tips para sa iyo upang maging matalinong mamimili para hindi tayu maloko. 🙂
1. Siguraduhin na maganda ang location na pagtatayuan ng bigasan. Mag observe muna sa pwestong kukunin kung matao ba or kung ito ay daanin ng mga tao.
2. Kumuha ng nararapat na permit katulad ng mga DTI, barangay permit at business permit if bigasan ang itatayo, para naman sa nagbebenta online maari din po kayung kumuha ng DTI upang mapangalagaan niyo ang pangalan ng inyong online store.
3. Bumili or gumawa ng mga kakailanganin sa tindahan katulad ng lalagyan ng bigas (maarinh glass dispenser or kahoy) mas makakamura kung gagawa ng kahoy na lalagyan ng bigas at masisigurado niyo pa ang tibay nito. Bumili ng panimbang ng bigas, pang sangkal ng bigas at iba pang maaring gamitin sa tindahan.
4. Alamin ang variety ng bigas at wag lang tumingin sa sako. Merong mga variety na mas makakamura kayu na same din sa mga sikat na sako. Merong ding mga sako na generic lang at maari itong lagyan ng kahit anung variety. Tanungin ang variety sa binibilhan na supplier upang tayu ay hindi basta maloko. Maganda if magiging maalam din po tayu sa pag tingin ng variety.
5. Isa sa pinaka importante ay ang makahanap ng tama at tapat na supplier (ehem) upang mapangalagaan ang quality ng bigas at maging consistent sila sa pagbibigay ng tamang timbang at quality ng bigas sa inyo (ehem)
6. May mga times po na tumataas ang palay at nag taas din po ang bigas, kapag bumaba naman po ang palay ganun din po sa bigas kaya po maging maalam kung kelan po dapat mag stock ng bigas.
7. Sa mga bigas na may kuto ito po ay di maiiwasan paminsan. Hindi po ito dahil sa lumang stock. Ibuyangyang lang po ang sako upang ito ay kusang lumabas or di kaya’y lagyan ng dahon ng laurel ang bigas upanh ito ay umalis.
8. Sa mga nagtatanung po tungkol sa semi laon, laon, ang ibig po nitong sabihin ang semi laon na bigas po malambot sya pag bagong saing pro pag lumamig hindi n kalambutan ang kanin nya, ang mga laon nman po bigas( hindi po sya lumang bigas 😁) buhaghag ang kanin at matigas pag lumamig na pro masarap p din pangsangag at ginagamit sa sinangag sa mga pares
9. Sa pagde deliver naman po ng bigas galing sa supplier mas maganda po if cod ang maging transaction para kaliwaan po sa bigas. Ibigay po natin ang pasensya natin sa kanila kung minsan ay nade delay po dahil (traffic, nasiraan, madaming ruta ang delivery, or kung minsan ay baha sa area)
10. Maganda po na subukan niyo personally ang bigas upang maipaliwanag niyo po ito sa inyong mga customer.
Iyan lamang ang kaunting tips and guidelines na mabibigay namin sa inyo. Kung may mga katanungan pa po kayu nandito po kami para sa inyo kahit iba po ang supplier niyo okay lang ang gusto lang po namin ang makatulong :)