02/02/2026
Para sa Iyo, Inang Maria
Sa lansangan naming tahimik na nagliliyab
Ang iyong dambana, bituin ng aming bayan;
Mga daliri'y nakataas sa taimtim na dasal,
Bawat hakbang ay awit ng pag-ibig na walang hanggan.
Mga bulaklak na inihandog ng pusong dalisay,
Parang luha ng saya sa iyong harapan;
Iyong mga mata'y puno ng awa't pag-aalo,
Sa aming mga hirap, ikaw ang sandigan.
Ina ng Diyos, Ina naming lahat,
Ikaw ang gabay sa landas ng kabutihan;
Ang prusisyong ito'y aming alay sa iyo,
Mula sa pusong wagas, tapat na pagmamahal.
-EFN
Our Lady of the Pillar Parish Morong, Bataan