07/01/2026
Pwede naman ang solar DIY—oo, may matitipid ka sa umpisa.
Pero paalala lang: may kaakibat itong panganib at hazards, lalo na kapag kuryente na ang usapan.
Minsan, mas makakatipid ka pa kung ipapagawa mo na lang sa legit solar companies—hindi lang sa pera, kundi pati sa oras, effort, at stress.
Ang solar at electrical installation ay isang skill na nangangailangan ng theoretical knowledge at experience. Hindi porke’t may nagsabi, may nabasa sa internet, o may napanood sa YouTube ay ganun na lang siya kadali.
Dagdag pa, kailangan mo rin ng proper tools at safety devices—na dagdag gastos din. Kapag walang tamang tools, mas mabagal, mas mahirap, at delikado ang trabaho.
👉 Sa trabaho mo ba, kailangan din pag-aralan at experience para maging mdali at magaling?