14/04/2023
MAGANDANG ARAW PO SA LAHAT!
Ang post po na ito ay para po sa kaalaman ng lahat para sa bayan ng Arayat:
Ang Arayat Waste Solutions ay pribadong grupo na naglalayon at tumutulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng basura sa bawat barangay. Magmula sa pangongolekta s mga bahay bahay hanggang sa pagsesegregate o pagkalkal ng mga basura. ( Nabubulok, di nabubulok at recyclables) Ang aming grupo ay striktong tumutupad sa batas pang national na NO SEGREGATION, NO COLLECTION.
ANG MGA BASURANG PROPERLY SEGREGATED AY WALANG BAYAD NA HAHAKUTIN O KOKOLEKTAHIN. LIBRE PO ANG PANGOLEKTA KUNG ANG BASURA NINYO AY SEGREGATED.
Libre! Libre! Libre!!!! Kung nkasegregate po.
Eto po ang mga kasagutan sa mga ilang katanungan ninyo.
Q: Bakit may bayad na 20/ sako ang basura?
A: Ang binbyaran ninyong 20 ay dahil hndi po nkasegregate ang inyong basura. hindi po namin kayo pipilitin kung gusto nyo magpakolekta o hindi. May choice po kayo at hindi po ito sapilitan. Basta naka segregate po ang basura ninyo, ITO AY LIBRE!!!!! 20 /sako, Ito po ay bayad para sa mga taong mangangalkal ng inyong mga basura. Dito po nangagaling ang sweldo nila. Ang mga segregators per brgy ay hndi lamang po iisa. 10-20 katao po ang nagttrabaho pra kalkalin ang mga basura ng bawat brgy every week.
Q: Legal ba kayo?
A: Opo. 5 taon na po kami nagseserbisyo dito sa Arayat. Kami po ay may permit, at kasunduan ng mga brgy pirmado ng mga kapitan at brgy council. Nakasaad dn sa naturang kasunduan ang mga policies na dpat sundin.
Q: Bakit hindi n lng hakutin ng libre kahit hndi segregated?
A: ito po ay mahgpit na ipinagbabawal na ating batas dhil kapag ginawa po natin ito, lolobo na naman po ang basura partikular na sa Tabuan at kalat kalat na ilegal dumping sa mga ibat ibang lugar. Iniiwasan po natin itong mangyri
Ang ating munisipalidad ay sumusunod sa batas Republic Act 003. Kailngan natin ang disiplina upang maiwasan ito.
Ang lhat ng ito ay masusing pinag aralan. Hinanhangad po ng aming grupo at sa tulong ng mga Kapitan natin na mpanatili ang kalinisan, kaayusan sa sistema ng basura. Wag na po natin ulitin at ibalik sa dati na napakrumi at nkpakaraming ilegal na dumpsite sa ating bayan dhil sa maling sistema.kabila kabilang post sa facebook at social media ay puro reklamo sa basura at ilegal dumpsites ang mkkita. Sana po mapanatili na po natin ang kaayusan at kalinisan dto sa pinakamamahal nating bayan ng Arayat.
Magtulong tulong po tyo.🙏🙏🙏
Kung kayo po ay may mga ibang katanungan pa or suggestion, maari pong magpm o lumapit sa mga brgy hall upang masagot po ang iba po ninyong mga katanungan.
Maraming Salamat po!