24/03/2026
Tama po! Kung lahat magkakaisa Mula sa mga magulang, Bata, G**o at gobyerno.Walang impossible sa na di maabot ang minimithi ng bawat Isa.
Bakit May Mga Batang Nahihirapang Magbasa?
Bilang high school teacher, madalas kong marinig: “Bakit hindi pa makabasa ng Ingles ang estudyante?”
At kadalasan, sinisisi ang mga g**o sa elementarya.
Minsan, aaminin ko, nagawa ko rin itong isisi sa kanila—out of exhaustion. Ako mismo, nag-one-on-one tutor pa sa pagbabasa!
Pero ngayon, malinaw na sa akin: hindi ito 99% kasalanan ng g**o.
Mga totoong dahilan:
•Palipat-lipat ang curriculum at dami ng kailangan matutunan.
•Sobrang dami ng gawain ng g**o at kulang ang suporta.
•Hindi sapat ang tulong ng mga magulang.
•Walang espesyalista na makaka-diagnose sa natatanging pangangailangan ng bata.
•Kahirapan ng pamilya at buhay sa bansa.
•Hindi priyoridad ng ilang lider ang edukasyon sa aktwal na aksyon.
Tandaan: Ang g**o ay sumusunod lang sa patakaran, kahit minsan ay labag ito sa kanilang puso.
Panawagan sa mga lider:
Kung gusto natin ng Bagong Pilipinas, simulan natin sa edukasyon. Ayusin natin ang kalidad ng pagtuturo at suporta sa mga bata—hindi lang sa papel, kundi sa gawa.
— Teacher Haj
**o **oHindiSisi