10/09/2026
PART 3- BREED
Narito ang mga sikat na bansag o titulo (titles) ng bawat lahi sa buong mundo na nagpapakita ng kanilang pangunahing papel at lakas sa industriya ng pagbababuyan:
🐷Swine Breed Titles & Monikers👑
DUROC:🐷👑
King of Growth and Hardiness o Hari ng Bilis Lumaki at Tibay. Kilala rin ito bilang The Ultimate Terminal Sire dahil ang mga anak nito ang may pinakamataas na resistensya sa sakit, pinakamabilis magkalaman, at may pinakamasarap na kalidad ng karne (marbling).
PIETRAIN:🐷👑
King of Lean Meat o Hari ng Purong Laman. Binansagan din itong The Muscle Pig dahil sa kaniyang pambihirang kapal ng karne, talop o bakat na mga kalamnan (extreme muscling), at napakanipis na taba sa likod (backfat).
HAMPSHIRE:🐷👑
King of Carcass Quality o Hari ng Ganda ng Katay. Nagmula sa England at binuo sa Amerika, madali itong makilala dahil ito ay itim na may puting sinturon (belt) na umaabot mula sa harapang paa hanggang sa balikat. Binansagan din itong The Lean Breed dahil sikat ito sa pag-produce ng karne na may napakanipis na taba at napakalaking loin eye area (bilog na laman sa likod). Karaniwan itong ginagamit bilang Terminal Sire (barako para sa katayan).
BERKSHIRE:🐷👑
King of Flavor / The Wagyu of Pork o Hari ng Linamnam. Nagmula sa England, ito ay purong itim ngunit may anim na puting marka (six white points) sa kaniyang apat na paa, mukha, at dulo ng buntot. Ito ang pinakapaboritong lahi ng mga mamahaling restaurant at mga chef sa buong mundo dahil ang karne nito ay may pambihirang marbling (taba sa pagitan ng laman) na nagbibigay ng sobrang lambot, katas, at sarap na kahalintulad ng Wagyu beef. Sa Japan, kilala ang karneng ito bilang Kurobuta.
LANDRACE:🐷👑
Queen of Mothering Ability o Reyna ng Pagpapasuso. Binansagan itong The Ultimate Maternal Breed dahil sa kaniyang mahabang katawan na may dagdag na mga utong at pambihirang galing sa pagpaparami ng anakan.
YORKSHIRE:🐷👑
The Mother Breed o Ina ng Lahat ng Lahi. Ito ang bansag sa kaniya dahil siya ang pinaka-pundasyon na ginagamit ng lahat ng genetic companies sa buong mundo upang makabuo ng anumang mahusay na maternal synthetic line.
F1 (Landrace x Large White):🐷👑
Queen of the Farrowing House o Reyna ng mga Inahin. Ito ang opisyal na bansag sa kaniya sa buong mundo dahil taglay niya ang pinakamataas na maternal heterosis—maraming manganak, napakalakas mag-gatas, at may pinakamahusay na pag-aalaga sa mga biik.
FOLLOW.. BOTSKEI PREMIUM PIGLETS!
https://www.facebook.com/profile.php?id=100091699043112
Gusto mo bang mas matuto tungkol sa breed, breeding, vitamins, sakit, feeding, piglet care at tamang pag-aalaga ng baboy?